Mga kwento tungkol sa Rising Voices noong Abril, 2012
Guinea-Bissau: Mas Mainam na Lugar para Mag-Online
Napakahirap humanap ng de-kalidad na koneksyon ng internet sa bansang Guinea-Bissau. Sa pakikipagtulungan ng iba't ibang lokal na NGO, naitayo ang tanggapang CENATIC, isang sentro na nagbibigay access sa internet sa mga organisasyon at indibidwal na nangangailangan nito, upang maiparating ang kani-kanilang mensahe sa bawat sulok ng daigdig.
Living Tongues: Mga Kasangkapang Teknolohiya Upang Sagipin Ang Mga Wikang Nanganganib Mawala
Batid ng Living Tongues Institute for Endangered Languages na sa pagkamatay ng bawat katutubong wikang nanganganib mawala, kasamang nabubura sa kamalayan natin ang kasaysayan ng isang bahagi ng lipunan. Bilang tugon sa isyung ito, nagsasagawa ang naturang surian ng masinop na pagdodokyumento ng mga lenggwaheng sinasabing nasa peligro, at nagbibigay gabay sa mga pamayanan upang mapanatili o buhaying muli ang kanilang kaalaman tungkol sa katutubong wika, sa tulong ng ICT at mga kagamitang likha ng kanilang komunidad. Kumakalap din ito ng sapat na pondo upang makabili ng kagamitang pangrekord at mga kompyuter para sa 8 napiling indibidwal na nagsusulong ng kanilang katutubong wika sa mga pamayanan ng Indiya, Papua New Guinea, Chile at Peru.
Pagkanta ng Pambansang Awit sa Sariling Wika (Ikalawang Bahagi)
Sa aming pangalawang ulat, tampok ang mga bidyong gawa ng mga mamamayan na itinatanghal ang kani-kanilang pambansang awit na isinalin-wika sa mga wikang katutubo o malimit gamitin, at napag-alaman namin na ipinagbabawal ng mga batas sa maraming bansa na kantahin ang pambansang awit maliban sa anyo ng pambansang wika. Subalit hindi ito nakapag-patinag sa ilang ordinaryong sibilyan na gumamit ng tinaguriang media ng mamamayan upang kantahin ang kanilang pambansang awit sa sariling wika.
Pagkanta ng Pambansang Awit sa Sariling Wika
Makikita sa YouTube ang sangkatutak na bidyong gawa ng mga mamamayan na itinatanghal ang mga pambansang awit na isinalin-wika sa mga katutubong lenggwahe. Batay sa mga komento at puna sa mga bidyo, ipinagmamalaki ng mga gumagamit ng katutubong wika ang mga bidyong ito sapagkat naipagbubunyi nila ang kanilang bayan gamit ang sariling wika.