Ako ay si M, isinilang sa Pilipinas at biniyayaang makapag-aral sa magagandang paaralan mula elementarya hanggang sa makapagtapos ako ng Sikolohiya sa isang malaking unibersidad sa Lungsod ng Quezon. Kasalukuyan akong nagtratrabaho ngunit subsob din ako sa iba't-ibang boluntaryong gawain sa aking komunidad. Ito ang una kong pagsabak sa mundo ng pagsasaling-wika.
Mga bagong posts ni mfont
Pinakaunang Workshop ng Mamamayang Pamamahayag para sa mga Nakaligtas sa Bagyong Yolanda
Ginanap ang proyektong Boses ng Pag-asa na mula sa Rising Voices, ang unang workshop ng mamamayang pamamahayag para sa isang komunidad na naghahanap pa rin ng mga sagot tungkol sa pagtatayong muli pagkatapos ng Bagyong Yolanda sa Pilipinas.
Mga Bansang Arabo: Pagpaslang sa Embahador ng US sa Benghazi, Kinundena
Ikinagalit ng mga Arabong netizens ang duwag na pag-atake sa Konsulado ng Estados Unidos sa Benghazi, Libya. Apat na dayuhang Amerikano, kabilang na ang Embahador na si Christopher Stevens, ang pinatay nang pinapaputukan sila ng mga militante ng isang missile, habang inililikas ang dayuhang grupo sa mas ligtas na lugar, matapos paligiran ang gusali ng kanilang konsulado.