Ako po ay pinanganak at lumaki sa Pilipinas at kasalukuyang naninirahan sa Estados Unidos – dalawang kultura ng Pilipinas at Estados Unidos na naging bahagi na ng aking buhay. Naging guro mahigit na sa sampung taon; manunulat at tagapagpayo sa mga isyung pumapaligid sa pamamahala ng Internet. Sa kasalukuyan, nagtuturo ng Computer at Ingles (ESL) sa mga banyaga sa Texas, bilang kasapi ng Literacy Lubbock. Ako din ay tumutulong sa Museyo ng Edukasyon ng Texas Tech University.
Editor din ako sa Tower of Babel – isang talaan na sinasalin sa iba't ibang lenguahe, bukod sa Ingles, na tumutukoy sa sining o arte at sa sariling diwa ng mga autor [http://charitygamboa.towerofbabel.com]. Bahagi rin ako ng isang grupo na nagsimula sa pagsulat ng artikulo sa Ingles sa Pagpulong sa Pamamahala ng Internet (Internet Governance Forum) sa Wikipedia [http://en.wikipedia.org/wiki/Internet_Governance_Forum] at sinalin ko ito sa Tagalog (makikita ang pahina o link sa Ingles na pahina ng IGF).
Membyo rin ng IGF Remote Participation Working Group [http://www.igfremote.org] at namumuno sa ISOC PH (Internet Society Philippines) Internet Governance Working Group [http://www.isoc.ph/portal].
Mga bagong posts ni CharityGE noong Setyembre, 2009
Global Voices + Conversations for a Better World
Isang bagong panulat na sinuyu ng United Nations Population Fund (UNFPA) na tinawag na Conversations for a Better World ay nagpapatulong sa mga manunulat ng Global Voices para bigyang-diin ang mga usap-usapan ukol sa populasyon at pagpapaunlad sa buong mundo. Hindi bababa sa isang dosenang manunulat ng Global Voices ay...
Estados Unidos, Mehiko: Astronaut Jose Hernandez Gumagamit ng Twitter Mula sa Panlabas na Kalawakan ng Mundo
Ang astronaut na si Jose Hernandez ay kasalukuyang nag-aaligid sa mundo bilang bahagi ng isang pangkalawakang misyon sa Internasyonal na Pangkalawakang Istasyong, at sya ay gumagamit ng Twitter habang siya ay nasa labing-tatlong araw ng misyon. Bilang isang anak na isinilang sa Estados Unidos ng mga imigranteng galing Mehiko, si...