Oktubre, 2012

Mga kwento noong Oktubre, 2012

Mga Bansang Arabo: Mga Salafist, Naging Tampulan ng Biro

Kilala sa kanilang mahahabang balbas, at mga saplot na hanggang talampakan (thobe), naging tampulan ng mga katagang pabiro sa Twitter ang mga Salafists, na naniniwala sa istriktong interpretasyon ng mga kaugaliang Islam. Sa hashtag na #SalafiAwkwardMoments, pinuna ng mga netizen sa Twitter ang mga nakakatawang bagay tungkol sa mga Salafist, habang pinag-uusapan sa mga kanluraning bansa kung ano ang magiging pakikitungo nito sa naturang pangkat.

28 Oktubre 2012

“Kakayahan ng ‘Tayo'”, Ipinagdiwang sa Blog Action Day

Taon-taon nagsasama-sama ang mga bloggers mula sa iba't ibang bahagi ng mundo upang magsulat tungkol sa iisang paksa, sa loob ng isang araw, upang mabasa ito ng milyun-milyong katao. Noong ika-15 Oktubre isinagawa ang Blog Action Day, at nilikom namin ang mga akdang isinulat ng mga blogger na kasapi ng Global Voices.

28 Oktubre 2012

Senegal: 18 Nasawi Matapos ang Matinding Pagbaha

Dahil sa matinding pag-ulan noong Agosto 26, 2012, nakaranas ng malawakang pagbaha ang maraming rehiyon sa bansang Senegal. Hindi bababa sa 18 ang bilang ng mga nasawi at 42 ang sugatan. Nagpaabot naman ang pamahalaan ng Senegal ng paunang tulong sa mga sinalanta, sa pangunguna ng grupong Pranses na Orsec. Sa kabila nito, marami ang naniniwalang hindi naging agaran ang pag-aksyon ng pamahalaan, dahilan upang magsagawa ng isang kilos-protesta sa siyudad ng Dakar.

28 Oktubre 2012