See all those languages up there? We translate Global Voices stories to make the world's citizen media available to everyone.

Learn more about Lingua Translation  »

Museo ng Ghibli, nag-post ng mga mini-tour online kasunod ng mga pagsasara dulot ng COVID-19

Ghibli Museum, Mitaka,

Totoro ticket booth” sa Museo ng Ghibli, Mitaka, Tokyo. Litratong kuha ng Flickr user na si chopperkuo. Lisensya: CC BY-NC-ND 2.0

Kasunod ng pansamantalang pagsasara dahil sa patuloy na paglaganap ng COVID-19 pandemic, nag-aalok ng mga maiikling virtual tour sa Youtube ang isa sa mga pinakakinagigiliwang tourist attraction ng Hapon.

Ang Museo ng Ghibli ay matatagpuan sa Mitaka, isang luntiang suburb halos dalawampung minuto sa kanluran ng gitnang Tokyo sa pamamagitan ng tren, at nakatuon ito sa muling paglikha hindi lamang ng mga animated na mundo ng Studio Ghibli, kundi pati na rin ng artistic process ng mismong estudyo.

Tanyag sa mga manonood sa buong mundo ang mga pelikula ng Studio Ghibli, kung saan kabilang ang My Neighbor Totoro” at “Spirited Away ni Hayao Miyazaki. Umaakit ng libo-libong mga turista ang museo kada taon, at limitado ang pagpasok dito. May tiyak lamang na bilang ng mga turista ang maaaring pumasok sa museo kada araw, at karaniwang nirereserba nang ilang buwan ang mga tiket.

Sarado ang museo mula pa noong ika-25 ng Pebrero. Matapos ibahagi ang mga background para sa mga web meeting na libreng gamitin upang tulungan ang mga kailangang magtrabaho ngayon sa kani-kanilang mga bahay, naglunsad ng mga maiikling video tour ng Museo ng Ghibli ang Studio Ghibli.

Nagsisimula sa labas ng museo ang limang video tour bago magpatuloy sa iba't ibang mga silid at eksibit.

Ang silid na “Where a Film is Born”  [Note: Ang katumbas nito sa Tagalog ay “Kung Saan Nagsisimula ang Isang Pelikula.”] ay nagpapakita ng “inspirasyon para sa kung ano ang mapupunta sa blangkong piraso ng papel sa mesa upang maging pagmumulan ng isang aktwal na pelikula.”

Ang limang bidyo ay maaaring mapanood sa opisyal na YouTube channel ng Studio Ghibli.

Nag-post ang YouTuber na si CocoTak ng isang medyo mas mahabang tour ng Museo ng Ghibli, kabilang na ang paglalakbay mula sa Istasyon ng Mitaka:

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.