- Global Voices sa Filipino - https://fil.globalvoices.org -

Pinakaunang Workshop ng Mamamayang Pamamahayag para sa mga Nakaligtas sa Bagyong Yolanda

Categories: Philippines, Citizen Media, Rising Voices

Rising Voices Grantee Update

Voices of Hope Workshop

Sumabog ang apoy ng kagalakan para sa labing-limang trainee ng Boses ng Pag-asa – Workshop Para sa Mamamayang Pamamahayag. Sa wakas! Pagkatapos ng isang buwang paghihintay, nagawa naming masimulan ang unang sesyon ng  Workshop Para sa Mamamayang Pamamahyag noong  ika-24 ng Agosto.

Sa gitna ng rumaragasang ulan, ang isang group ng mga batang estudyante na puno ng sigasig ay nagsama-sama sa isang workshop sa Estancia, Iloilo [1], Pilipinas. Sila ay handa upang makinig at kumuha ng mga bagong ideya para maliwanagan ang kanilang mga espiritu pasulong para sa adbokasya ng mamamayang pamamahayag.

Tinipon sa simula ng workshop ang pagkilala sa isa't isa at mga inaasahan.  Ang nakakabighaning sigasig ng mga trainee na matuto at paunlarin ang kanilang kaalaman sa pamamahayag ay umapaw para sa kabuoang tagal ng workshop.  Habang ako ay nakinig sa kanilang mga boses, naramdaman ko ang enerhiyang nanggagaling sa kanila, dumadaloy sa aking mga ugat.   

“Sila ay tunay na mga hiyas ng komunidad para sa kalakasan sa pagbangon mula sa sakunang dala ng Bagyong Yolanda at ng kahirapan,” tahimik kong sinabi nang may matinding paghanga para sa kanila. 

Isang Pagkakaiba: Mga Biktima, Mga Nakaligtas, Mga Aktibista

Sa aming talakayan, iprinesenta namin ang pangkalahatang-ideya ng programa at kung paano nabuo ang programa bilang isang adbokasya. Nagkapagpasigla ang isang buhay na buhay na diskusyon kung gaano kaimportante ang programa sa pansariling sitwasyon bilang mga biktima patungo sa pagiging nakaligtas, hanggang sa paghantong sa aktibismo. Napag-usapan namin ang pagkakaiba sa pagitan ng biktima, isang nakaligtas at isang aktibista.

Dumating kami sa pinag-isang unawa na ang mga taong may mentalidad ng isang biktima ay may pasibong diskarte sa kaligtasan; nanonood lamang sila ng kung ano ang nangyayari sa kanilang paligid; wala silang gana pinapahintulutan nilang maging nasa awa ng iba. Ang isang nakaligtas ay syang nagpupumilit na makaligtas at mabuhay sa loob ng kanyang makakaya; ito ay ang pansariling pangangalaga sa gitna ng patuloy na panlipunang salungatan.  Habang ang aktibismo ay higit pa sa kaligtasan, ito ay ang pagplano ng kapalaran ng isang tao pinagsama-samang pagbabago sa hindi makatarungang istruktura ng lipunan para sa interes ng nakararami.

Ang pagbibigay sa mga trainee ng ganitong pangunahing kaayusan kung paano natin dapat harapin ang problema ng mga apektadong komunidad at ang ating pag-uugali bilang nakaligtas mula sa Bagyong Yolanda ay nagdulot ng kaliwanagan sa kanila.

Panlipunang Konteksto at Perspektibo:

Ang ibinigay na impormasyon mula sa tugon ng mga tao at mga pakinabang mula sa pananaig laban sa kasiraang dulot ng Bagyong Yolanda at pagkalat ng langis ay mas nagbigay sa kanila ng konteksto at pag-unawa tungkol sa umuusbong na panlipunang pagkilos sa Estancia, Iloilo.  Binigyang diin na ang matinding antas ng katatagan at kalakasan ng mga komunidad ang nagbigay sa kanila ng pag-asang mabuhay at makabawi sa bawat paraan na kaya nila bilang isang indibidwal at bilang isang komunidad.

Ang pagsampa ng kaso para sa mga pinsala at bayad-pinsala laban sa may-ari ng power barge na nakapagtapon ng halos isang milyong litro ng langis sa pampang ng mga komunidad ng  Barangay Botongon, Tanza, Jolog, Daan Banwa at iba pang kalapit na mga komunidad ay isang repleksyon ng pagbabago sa mga komunidad mula sa pagiging biktima patungo sa aktibismo.

Gayunpaman, ang mga hamon ng pagbibigay ng boses sa mga pinalakas na komunidad ay isang kagyat na pangangailangan. Sila ay nagpipilit na marinig at makilala. Ang kanilang mga pangangailangan ay hindi pa natutugunan.

“Ang suporta ng goberyno para sa mga biktima ng pagkalat ng langis sa Estancia ay hindi lamang kulang. Ito ay halos hindi naramdaman ng mga tao,” dineklara ng Panlalawigang Gobernador ng Iloilo Arthur Defensor sa kanyang pagbubukas na salita sa Kongresyonal at Pampublikong Pandinig sa Pagkalat ng Langis noong ika-7 ng Oktubre sa Panlalawigang Kapitolyo ng Iloilo.

“Sa pagtatapos ng araw, ang gobyerno pa rin ang mananagot sa mga kahirapan ng mga tao.  Hindi natin maituturo ang bawat isa bilang mga ahensya ng gobyerno,” binigkas ni Congressman Rey Umali, pinuno ng Komite ng Enerhiya sa Kongreso sa pampublikong pandinig noong ika-7 ng Oktubre.

Ang Tugon:
Ang mga tugon ng mga trainees sa workshop ay masigasig. Ito ay naging pagkakataon para makapagsalita sila tungkol sa kanilang naramdaman pagkatapos ng Bagyong Yolanda at kung paano nila nakita ang sitwasyon nang walang pagpiit. Naging madamdaming sesyon para sa kanila ang makinig sa isa't-isa sa unang pagkakataon pagkatapos ng Bagyong Yolanda.

Nagagalak na sinabi ni Apple, isang estudyante ng Administrasyon ng Kalakal at nasa ikatlong-taon sa kolehiyo, anak ng isang Barangay Kapitan ng Barangay Jolog at isang bagong halal na presidente ng Konseho ng Mag-aaral NIPSC:

“Lagi kong ninanais na makasali sa pamamahayag kahit noong sa elementarya pa lamang pero wala akong nakuhang pagkakataon.  Noong narinig ko ang tungkol sa pagsasanay, dali-dali akong nagparehistro para sumali. Sigurado matututo ako at talagang masisiyahan sa programa. Ito ay isang pangarap na natupad!”

Ibinahagi ni Maymay, isang estudyante ng Pangkalahatang Edukasyon, nasa ikatlong taon ng kolehiyo:

“Ito ay kamangha-mangha!  Hanggang ngayon, ang mga tao sa komunidad ay may pag-asa pa rin sa kabila ng mga malalabong pangako ng rehabilitasyon at ng pondong pangkalamidad mula sa gobyerno. Siguro makakatulong ako sa pamamagitan ng pakikinig sa kanila, lakasan ang kanila mga boses at huwag hayaang mawalan sila ng pag-asa sa kabila ng kanilang nakalulungkot na realidad. Isusulat ko ang kanilang mga istorya.”

Ang mga ito ay ilan sa mga pagmumuni-muni ng mga trainees sa panahon ng kanilang mga interaksyon.  Sa pagtanggap nila sa hamong puno ng inspirasyon, ipinagtibay nila ang kanilang sarili sa paggawa ng face book account, maglathala ng mga artikulo at mga larawan.  Ang pag-organisa ng kanilang pagtatalaga upang matupad ang kanilang kinakailangang mga gawain ay naging kusa. Ang planong ilunsad ang kanilang mga gawa sa ika-8 ng Nobyembre, ang unang anibersaryo ng Bagyong Yolanda ay  isang bagay na aabangan ng mga komunidad.

Ang mga ilaw ay makislaw at ang mga tinig ay nananatili para sa bawat mamamahayag na trainee sa pagharap sa napakalaking hamon ng kanilang panahon; sa pagtatagumpay laban sa kadiliman at kawalang katiyakang ng mga komunidad na nasalanta ng kalamidad.  Nagkakaisa, tumayo silang hawak-kamay, sumigaw ng, “Kami ang Boses ng Pag-asa para sa mga Mamamayan!”