Hijras, ‘Ikatlong Kasarian’ ng Bangladesh, Nagdiwang sa Kaunaunahang Parada ng Karangalan

Hijra pride 2014 festival began in Bangladesh on Sunday. The photo was taken from the Sahabgh Raju Circle in Dhaka. Image by Anwar Hossain Joy. Copyright Demotix (9/11/2014)

Ang pagdiriwang ng Hijra Pride 2014 sa Bangladesh ay nagsimula noong LInggo. Ang retrato'y kuha mula sa Sahabgh Raju Circle sa Dhaka. Larawan ni Anwar Hossain Joy. Copyright Demotix (9/11/2014)

Halos isanlibong Hijras ang lumahok sa kaunaunahang “Hijra Pride” sa Dhaka, Bangladesh noong nakaraang linggo upang ipagdiwang ang unang anibersaryo ng pagkilala sa kanila ng gobyerno bilang isang hiwalay na kasarian. Ang Hijra ay pambabaeng kasarian na inaakong pagkakakilanlan ng mga taong ipinanganak na lalake o intersex, mas kilala ito bilang transgender sa Kanluran.

Matagal na nakaranas ng diskriminasyon ang halos 10,000 Hijras ng Bangladesh. Sa kaunaunahang Parada ng Karangalang ito, ang mga kalahok na nakagayak ng makukulay na damit ay kumanta at sumayaw sa mga lansangan habang bitbit ang bandila at banderitas ng Bangladesh na nagpahayag na: “Ang mga araw ng pagdungis, diskriminasyon, at takot ay tapos na.”

Tingnan ang ilang mga kuhang-larawan ng kasiyahan:

Pumarada ang mga tao sa Dhaka bitbit ang pambansang bandila upang ipagdiwang ang ‘Hijra Pride’. Larawan ni Sony Ramany. Copyright Demotix (10/11/2014)

Ang makulay na pagkilos na inorganisa ng Bandhu Social Welfare Society ay naganap malapit sa kapisanan ng mamamahayag, Dhaka. Larawan ni SK Hasan Ali. Copyright Demotix (10/11/2014)

Pagdiriwang ng ‘Karangalan ng Ikatlong Kasarian (Hijra) 2014′ sa Bangladesh. Larawan ni Sk. Hasan Ali. Copyright Demotix (10/11/2014)

Pagdiriwang sa Parada ng Hijra Pride. Larawan ni Mohammad Asad. Copyright Demotix (10/11/2014)

Nagsayaw ang mga Bangladeshi Hijras sa lansangan upang ipagdiwang ang parada ng karangalan. Larawan ni Indrajit Ghosh. Copyright Demotix (10/11/2014)

Nagdiwang ang mga Hijra sa pamamagitan ng isang gabi ng patimpalak kagandahan. Larawan ni Mohammad Asad. Copyright Demotix (10/11/2014)

Nagtapos ang ‘Karangalang Hijra 2014’ sa pamamagitan ng isang pagalingan ng talento. Larawan ni Mohammad Asad. Copyright Demotix (10/11/2014)

Marami rin ang nakisaya sa kanila at nagpahayag ng pagsuporta sa Twitter:

Exit mobile version