- Global Voices sa Filipino - https://fil.globalvoices.org -

Ukraine: Tungo sa Malayang Pagtawid sa mga Karatig-Bansa

Categories: Eastern & Central Europe, Middle East & North Africa, Western Europe, Belgium, Iraq, Netherlands, Syria, Ukraine, Citizen Media, International Relations, Law, Politics, Travel

Mula sa Facebook page ng “We are Europeans”

Ibinahagi sa Facebook ng grupong “We are Europeans” (na inilunsad noong Oktubre 2011 at ibinalita [1] dito sa GV) ang isang collage [2] [en] na nagkukumpara sa hangganan ng mga bansang Iraq-Syria at ang pagitan ng Netherlands-Belgium: ang isa ay nakabantay-sarado, samantalang ang isa naman ay nasa labas lang ng isang kapihan.

Puna ni Eugen Theise [en]:

Bakit pa Iraq at Syria? Puwede namang EU at Ukraine – parehong pareho, pero sa Europa naman

Dagdag pa ni Karina Babenko [ru]:

Sana maging kasing laya ng pagitan ng Holland at Belgium ang hangganan ng Ukraine at ng European Union!