- Global Voices sa Filipino - https://fil.globalvoices.org -

Tsina: Mga Demonstrador Kontra-Japan, Hinarangan ang Sasakyan ng Embahador ng US

Categories: East Asia, China, U.S.A., Citizen Media, International Relations, Protest

[1]

Sa bidyong kuha ni Weiwei Ai [1] [zh] na mapapanood sa YouTube, makikita ang isang pangkat ng mga Intsik na nagsasagawa ng kilos-protesta laban sa bansang Hapon sa likod ng embahada ng Estados Unidos, kung saan kanilang hinarang ang sasakyan ni Ambassador Gary Locke. Tutol ang grupo sa polisiya ng Amerika hinggil sa ugnayang panlabas.