- Global Voices sa Filipino - https://fil.globalvoices.org -

Togo: Lansangan sa Lomé, Binaha ng mga Nakapula

Categories: Sub-Saharan Africa, Togo, Breaking News, Citizen Media, Digital Activism, Elections, Governance, Politics, Protest, Women & Gender
[1]

Martsa ng mga Kababaihang Togolese, litratong kuha ng grupong Let's Save Togo, mula sa Flickr, may pahintulot sa paggamit.

Libu-libong kababaihan na nakasuot ng pula ang dumagsa at nagmartsa sa Lomé, kabisera ng Togo, noong ika-20 ng Setyembre upang igiit ang repormang pampulitika. Ibinahagi ng samahang Let's Save Togo ang koleksyon ng mga litrato [2] [fr] mula sa nasabing kaganapan.