- Global Voices sa Filipino - https://fil.globalvoices.org -

Pandaigdigang Araw ng mga Rhino

Categories: Citizen Media, Environment

Itinalaga ang ika-22 ng Setyembre, 2012, bilang World Rhino Day. Sa kasalukuyan, tinatayang may 22,000 puting rhino at 4,800 itim na rhino [1] [en] ang natitira sa Aprika. Dahil sa walang habas na pagdakip ng mga ito, pinapangambahang tuluyang maubos ang dalawang species ng rhino pagdating ng 2025! Narito ang ilang impormasyon [2] [en] hinggil sa iligal na kalakal ng mga sungay ng rhino.