- Global Voices sa Filipino - https://fil.globalvoices.org -

Myanmar: Protesta Laban sa Kinatawan ng UN

Categories: East Asia, Myanmar (Burma), Citizen Media, Human Rights, Protest
Protesta sa Mandalay [1]

Protesta laban sa kinatawan ng UN noong ika-2 ng Setyembre, 2012 sa Mandalay, Myanmar. Litratong kuha ng CJ Myanmar.


Libu-libong katao ang lumahok sa isang kilos protesta sa Mandalay, Myanmar [2] [my] bilang pagtutol kay Tomas Ojea Quintana, ang kinatawan ng UN upang imbestigahan ang mga usaping may kinalaman sa karapatang pantao. Marami ang naniniwalang kinakatigan ni Quintana ang mga Rohingyas hinggil sa karahasan sa Rakhine [3] [en].