- Global Voices sa Filipino - https://fil.globalvoices.org -

Myanmar: Kilos-Protesta, Ginanap sa Araw ng Kapayapaan

Categories: East Asia, Myanmar (Burma), Citizen Media, Politics, Protest

Peace Demonstration Myanmar [1]

Alinsabay sa pagdiriwang ng Araw ng Kapayapaan, isang demonstrasyon ang inorganisa noong ika-21 ng Setyembre bilang panawagan na matuldukan ang nagaganap na digmaang sibil sa hilagang Myanmar. Litrato mula sa Facebook page ng CJ Myanmar

Noong ika-21 ng Setyembre, 2012, isang rally ang pinasinayaan ng iba't ibang pangkat ng mga boluntaryo, kabataan at mga mamamayan upang ipanawagan ang pagwawakas sa digmaang sibil sa hilagang bahagi ng bansa. Samantala, nagtawag ng isang press conference [2] [my] ang pulisya at nagbanta na dadamputin nila ang mga kalahok sa nasabing pagtitipon dahil wala itong kaukulang permiso na magsagawa ng kilos-protesta.