- Global Voices sa Filipino - https://fil.globalvoices.org -

Mozambique: Mga Bisikleta, Nagsisilbing Taksi sa Lungsod ng Quelimane

Categories: Sub-Saharan Africa, Mozambique, Citizen Media, Environment, Ideas, Photography

Mozambique: Mga bisikletang taxi ang hari ng kalsada sa Quelimane. Litratong kuha ni António Silva [1]

“Mozambique: Mga bisikletang taksi ang hari ng kalsada sa Quelimane.” Litratong kuha ni António Silva (pampublikong copyright)

Isang nakakaaliw na album [2] [pt] ng mga litratong kuha ni António Silva ang tampok sa website ng Sapo, kung saan makikita ang laganap na paggamit ng mga bisikleta bilang pampublikong sasakyan sa siyudad ng Quelimane, sa bansang Mozambique. Dahil sa kakulangan ng ibang uri ng pampublikong transportasyon doon, umusbong ang ganitong klase ng pamumuhay na hindi nakakasama sa kapaligiran.