- Global Voices sa Filipino - https://fil.globalvoices.org -

Mozambique: Ang Layon ng Isang Musikero

Categories: Sub-Saharan Africa, Mozambique, Arts & Culture, Citizen Media, Music, Youth
Pagtugtog ng Ndjerendje ni Ruben Mutekane sa Maputo, Mozambique (Setyembre, 2012). Bidyong kuha ni Miguel Mangueze [1]

Pagtugtog ng instrumentong Ndjerendje na binuo ni Ruben Mutekane. Maputo, Mozambique (Setyembre, 2012). Bidyong kuha ni Miguel Mangueze sa YouTube

Sa bayan ng Maputo, Mozambique, mapapanood si Ruben Mutekane na kumakanta at tumutugtog ng Ndjerendje, isang instrumentong kanyang inimbento. Mapapanood dito ang maikling bidyong [1] kuha ni Miguel Mangueze (@FotoMangueze [2]).

Sinasalamin ng mga awit ni Mutekane, sa wikang xichangana, ang hindi-pagkakapantay-pantay ng mga magkaibang antas sa lipunan sa bansang Mozambique. Isinalin ni Francisco Chuquela (@chuquela [3]) ang ilan sa mga kataga ng kanyang awitin [4]:

“malayang namumuhay ang mga mayayaman at tayo ang nagdurusa, kahit pumatay sila hindi sila dinadakip dahil nagbibigay sila ng pera.”

[Lahat ng link sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Portuges.]