- Global Voices sa Filipino - https://fil.globalvoices.org -

Indiya, Pakistan: Paghihigpit sa Visa, Pinetisyon

Categories: South Asia, India, Pakistan, Citizen Media, International Relations, Politics, Travel
[1]

Petisyong ‘Aman Ki Asha Milne Do’

Mahigpit sa pagbibigay ng visa ang mga bansang Indiya at Pakistan para sa mga mamamayang gustong bumisita sa kani-kanilang pamilya sa karatig-bansa. Sa kasalukuyan, may bagong idinagdag na alituntunin o protocol para sa pagkuha ng tourist visa sa pagitan ng dalawang bansa sa Timog Asya. Isinusulong ng inisiyatibong ‘Journeys To Democracy’ [2] [en] ang petisyong ‘Aman ki Asha Milne Do’ [3] [en] upang tuluyan itong mabago.