- Global Voices sa Filipino - https://fil.globalvoices.org -

Gresya: Partidong Neo-Nazi ‘Golden Dawn’, Nais Paimbestigahan

Categories: Western Europe, Greece, Citizen Media, Digital Activism, Human Rights, Migration & Immigration, Politics, Protest
Mga kasapi ng partidong Golden Dawn na nagpapanggap na mga pulis.

Mga kasapi ng partidong Golden Dawn na nagpapanggap na mga pulis – at biglang inatake ang isang tindahan.

Sinuportahan ng mga Twitter users mula sa iba't ibang panig ng mundo ang petisyon online para imbestigahan ang mga reklamong kriminal laban sa partidong Golden Dawn sa bansang Greece.

Sa bidyong ito [1] [en], na ini-upload ni aVeNGgeERR [2] [en] sa YouTube noong ika-9 ng Setyembre, 2012, makikitang nilusob ng mga taga-suporta ng Golden Dawn Party ang bayan ng Rafina, malapit sa Athens, at hinanapan ng mga papeles at sedula ang mga dayuhang manininda. Pagkatapos, kaagad sumugod ang isa pang grupo, at pinagsisipa ang isang tindahan at winasak ang mga paninda nito. Sinusulong ngayon ng mga Twitter users [3] [en] ang isang malawakang petisyon upang pasimulan ang imbestigasyon sa pagkakasalang kriminal [4] [en] ng partidong Golden Dawn. Maaaring kang lumagda sa nasabing petisyon sa website na ito [5] [en].