- Global Voices sa Filipino - https://fil.globalvoices.org -

‘Gangnam Style’, Ginaya ng Hilagang Korea

Categories: East Asia, North Korea, South Korea, Arts & Culture, Citizen Media, Media & Journalism, Politics, War & Conflict

Sa website ng pamahalaan ng Hilagang Korea na Uriminzokkiri, iniupload ang isang bidyo [1] [en] na may pamagat na “I'm Yushin style!” bilang panggagaya sa ‘Gangnam Style [2]‘ [en] na pinasikat ng Timog Korea. Naging sentro ng katuwaan sa bidyo si Park Geun-hye, ang kandidato sa pagkapangulo ng kasalukuyang namumunong partido sa Timog Korea. Si Binibining Park ay anak ng dating Pangulong Park Chung-hee, na nakilala bilang isang diktador noong 1970s, kung saan sinupil ng sistemang “Yushin [3]” [en] ang demokrasya at malayang pamamahayag sa bansa.
 

http://www.youtube.com/watch?feature=player_embedded&v=-6x3cUtcMwM [4]