- Global Voices sa Filipino - https://fil.globalvoices.org -

Bahrain: Website ng Pagpupulong ng UN, Hinarangan

Categories: Middle East & North Africa, Bahrain, Citizen Media, Freedom of Speech, Human Rights

[1]

UN webcast page [2] [en], ipinagbawal sa Bahrain, larawang ibinahagi ni @MohdMaskati [1] [en] sa Twitter



Narito ang tweet ni Mohammed Al Maskati, aktibistang nakilala dahil sa pakikipaglaban para sa mga karapatang pantao, habang dumadalo sa pagpupulong ng Human Rights Council sa Geneva, Switzerland:

@MohdMaskati [1] [en]: Hinarang ng mga otoridad sa #Bahrain ang pagpasok sa live stream website ng #UN dahil sa aking pagdalo sa #HRC21 http://twitpic.com/aucktm

Kinunan niya ng larawan ang mensahe sa website na nag-aanunsyo ng censorship. Sa ngayon, nabubuksan na muli ang nasabing website sa Bahrain.