Narito ang tweet ni Mohammed Al Maskati, aktibistang nakilala dahil sa pakikipaglaban para sa mga karapatang pantao, habang dumadalo sa pagpupulong ng Human Rights Council sa Geneva, Switzerland:
@MohdMaskati [en]: Hinarang ng mga otoridad sa #Bahrain ang pagpasok sa live stream website ng #UN dahil sa aking pagdalo sa #HRC21 http://twitpic.com/aucktm
Kinunan niya ng larawan ang mensahe sa website na nag-aanunsyo ng censorship. Sa ngayon, nabubuksan na muli ang nasabing website sa Bahrain.