- Global Voices sa Filipino - https://fil.globalvoices.org -

Afghanistan: Natatanging Eksibit, Masisilayan sa Kabul

Categories: Central Asia & Caucasus, Afghanistan, Arts & Culture, Citizen Media
Magsasaka sa taniman ng poppy

Magsasakang Afghan sa gitna ng taniman ng poppy. Ni Wakil Kohsar, © Mountain2Mountain

Mga Lansangan ng Afghanistan [1] [en] ang pamagat ng eksibit ng mga litratistang galing sa loob at labas ng Afghanistan, sa pangunguna ng organisasyong Mountain2Mountain [2] [en]. Balak ng pangkat na dalhin ang naturang pagtatanghal sa Kabul [3] [en] upang ipamalas ang sining sa mga kalye ng kabisera.