Sa pamamagitan ng kanyang photo album sa Facebook na pinamagatang “Ang pagsayaw ng Venezuela sa saliw ng…”, ibinahagi ni Carmen Helena González ang mga litratong kuha mula sa isang ensayo ng katutubong sayaw na ginanap sa Isla ng Margarita [en]. Makikita ang kabuuan ng koleksiyon sa nasabing album [es], kung saan sa bawat litrato, may nakasulat na pagninilaynilay at pagmumunimuni tungkol sa mga propagandang pulitikal na laganap sa sistema ng edukasyon doon. Ganito ang naging panimula ng nasabing album:
Sentimientos encontrados esta tarde al asistir a este ensayo de danza de un grupo de niñas margariteñas. La belleza de sus caras, la luz de esta tarde y algo que bailaba en el ambiente chocaban con el contexto adoctrinante…
Sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Hugo Chavez, marami na ang nasabi patungkol sa mga propagandang pulitikal at ideyolohikal nito. Para sa karamihan, ang mga taong ito ay naging daan para sa Venezuela upang balikan ang sarili nitong kasaysayan. Para naman sa iba, ang mga pagbabagong nangyari ay mga panggigiit sa ideyolohiya sa mga sensitibong isyu gaya ng edukasyon at pampublikong pangangasiwa.
Ang mga susunod na litrato ay mula sa isinagawang pagtuturo ng pagsayaw sa loob ng aklatan ng “Alí Primera”, at isang halimbawa ng pagsasakonteksto ng nasabing debate sa ideyolohiya: