- Global Voices sa Filipino - https://fil.globalvoices.org -

Togo: 11 Katao, Nawawala Matapos ang Sagupaan ng mga Pulis at Demonstrador

Categories: Sub-Saharan Africa, Togo, Breaking News, Citizen Media, Digital Activism, Human Rights, Law, Protest, War & Conflict

Kilos-protesta sa Togo. Litrato ng Collectif Sauvons le Togo (may permiso sa paggamit) [1]

Kilos-protesta sa Togo. Litrato ng Collectif Sauvons le Togo (may permiso sa paggamit).

Ayon sa ulat ng website na Koaci, 11 katao ang nawawala [2] [fr] matapos ang salpukan ng pulisya at ng libu-libong demonstrador sa mga lansangan ng Lomé noong ika-23 ng Agosto:

Police forces have used violence so far but they were quickly overwhelmed. For the first time, the whole city was filled with protesters.

Gumamit ng dahas ang pulisya ngunit hindi ito naging sapat. Sa kauna-unahang pagkakataon, sinakop ng mga nagpoprotesta ang buong siyudad.