- Global Voices sa Filipino - https://fil.globalvoices.org -

Mga Bansang Arabo: Naiibang Eid sa Syria, Palestina at Bahrain

Categories: Middle East & North Africa, Bahrain, Palestine, Syria, Citizen Media, Politics, Protest, Religion, War & Conflict

[Ang mga link sa artikulong ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Arabo, maliban na lamang kung may nakasaad.]

Sa iba't ibang panig ng mundo, ginunita ang nakalipas na Eid Al Fitr sa loob ng tatlong araw, na siyang takda ng pagtatapos ng Ramadan – ang isang buwan ng pag-aayuno. Ngunit naging tahimik ang selebrasyon sa mga bansang Syria habang nagluluksa ang buong bayan para sa mga mamamayang nasawi, at sa bansang Bahrain kung saan napaslang ng pulisya ang isang 16-na-taong gulang na binata.

Syria

Paalala ni Razan Saffour, isang aktibistang taga-Syria:

@RazanSpeaks [1]: For Muslims, today was the last day of Eid al-Fitr. In #Syria, over 500 people have been killed by Assad during the past 3 days of Eid.

@RazanSpeaks: Para sa mga Muslim, ngayon ang panghuling araw ng Eid al-Fitr. Sa Syria, higit sa 500 katao na ang pinaslang ni Assad sa nakaraang 3 araw ng Eid.

Ito naman ang tweet ni Dona, na nakatira sa Syria:

@donatelladr [2]: #Syria tv links Eid wishes to army`s braveness in killing “terrorists”& features soldiers sending personal wishes to families #disgusting

@donatelladr: Sa TV pinagmamalaki nila ang naging katapangan ng hukbong militar sa pakikipaglaban sa mga terorista; pinapakita nila sa telebisyon ang mga personal na mensahe ng mga sundalo sa kani-kanilang pamilya

Para sa rehimeng namumuno sa Syria, maging sa iba pang diktadurang Arabo, “terorista” at “panggulo” ang bansag ng medya sa mga nagpoprotesta.

Kinunan naman ni Abdulla Aldahham ang bidyong ito [3] at inilagay sa YouTube. Makikitang nagkakatuwaan ang mga binatang ito sa paligid ng isang tanke sa bayan ng Homs:

Palestine

Mga nagdarasal sa Gaza sa araw ng Eid [4]

Mga nagdarasal sa Gaza sa araw ng Eid. Litrato ni Maher Zain sa Twitter at iniretweet ng mahigit 1,000 beses

Samantala, naiulat sa Twitter ang mga “pagsabog” sa Palestine.

Ayon sa tweet ni Palo Rawan:

@MyFreePal [5]: explosion heard in west Gaza. israel is wishing us a happy Eid. #Gaza Eid Mubarak

@MyFreePal: dinig ang pagsabog sa west Gaza. Isang pagbati ng Israel ng isang maligayang Eid.

Dagdag pa ni Rana Baker:

@RanaGaza [6]: HUGE explosion rocks #Gaza on first day of Eid!

@RanaGaza: Malaking pagsabog ang yumanig sa Gaza sa unang araw ng Eid!

Sa kabila nito, ipinaalala ni Nour Odeh, na taga-Ramallah, ang sitwasyon ng mga Palestino at ipinagdasal ang Syria:

لم يعد حكرا على الفلسطينيين ان يتذكروا شهدائهم واسراهم ويدعو ان يأتي العيد القادم بالحرية والعودة عيدنا يوم عودتنا #فلسطين_#سوريا_الله_معاهم
@nour_odeh [7]: Hindi sapat para sa mga Palestino ang gunitain ang mga martir at bilanggo at ipagdasal ang ating kalayaan sa susunod na Eid. Ang ating Eid ay ang araw ng ating pagbabalik sa Palestina. Naway pagpalain ng Diyos ang Syria

Bahrain

Sa bansang Bahrain, ito ang naging tweet ni Suhail Algosaibi:

@SuhailAlgosaibi [8]: A day of mixed emotions; Eid mubarak to all of us in #Bahrain, & condolences to us all on our latest death.

@SuhailAlgosaibi: magkahalong emosyon sa araw na ito; Eid mubarak sa lahat ng taga-Bahrain; nakikiramay kami sa nasawi.

Napaslang ng mga pulis si Hussam Al Haddad [9] [en] sa bisperas ng Eid. Ayon sa Al Jazeera, sinusunod lamang ng mga otoridad sa Bahrain ang batas ang tinawag si al-Haddad na isang “terorista”.

Magugunitang napaslang din si Ali Jawad Al Shaikh [10] [en] mula sa bayan ng Sitra noong nakaraang taon sa araw ng Eid.

Dahil sa pagkakahawig ng pagkamatay ng dalawang binata sa magkasunod na Eid, pati na ang pag-aresto ng dose-dosenang kabataan, nilikha ng mga netizen ang hash tag na #eid_without_kids.

Ibinahagi ni Noor Rajab ang bidyong ito [11] sa YouTube, kung saan ipinapakita ang pagtatapon ng tear gas ng mga otoridad sa mga kabahayan ng mga taga-Sitra: