[Ang mga link sa artikulong ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Arabo, maliban na lamang kung may nakasaad.]
Sa iba't ibang panig ng mundo, ginunita ang nakalipas na Eid Al Fitr sa loob ng tatlong araw, na siyang takda ng pagtatapos ng Ramadan – ang isang buwan ng pag-aayuno. Ngunit naging tahimik ang selebrasyon sa mga bansang Syria habang nagluluksa ang buong bayan para sa mga mamamayang nasawi, at sa bansang Bahrain kung saan napaslang ng pulisya ang isang 16-na-taong gulang na binata.
Syria
Paalala ni Razan Saffour, isang aktibistang taga-Syria:
@RazanSpeaks: For Muslims, today was the last day of Eid al-Fitr. In #Syria, over 500 people have been killed by Assad during the past 3 days of Eid.
Ito naman ang tweet ni Dona, na nakatira sa Syria:
@donatelladr: #Syria tv links Eid wishes to army`s braveness in killing “terrorists”& features soldiers sending personal wishes to families #disgusting
Para sa rehimeng namumuno sa Syria, maging sa iba pang diktadurang Arabo, “terorista” at “panggulo” ang bansag ng medya sa mga nagpoprotesta.
Kinunan naman ni Abdulla Aldahham ang bidyong ito at inilagay sa YouTube. Makikitang nagkakatuwaan ang mga binatang ito sa paligid ng isang tanke sa bayan ng Homs:
Palestine
Samantala, naiulat sa Twitter ang mga “pagsabog” sa Palestine.
Ayon sa tweet ni Palo Rawan:
@MyFreePal: explosion heard in west Gaza. israel is wishing us a happy Eid. #Gaza Eid Mubarak
Dagdag pa ni Rana Baker:
@RanaGaza: HUGE explosion rocks #Gaza on first day of Eid!
Sa kabila nito, ipinaalala ni Nour Odeh, na taga-Ramallah, ang sitwasyon ng mga Palestino at ipinagdasal ang Syria:
Bahrain
Sa bansang Bahrain, ito ang naging tweet ni Suhail Algosaibi:
@SuhailAlgosaibi: A day of mixed emotions; Eid mubarak to all of us in #Bahrain, & condolences to us all on our latest death.
Napaslang ng mga pulis si Hussam Al Haddad [en] sa bisperas ng Eid. Ayon sa Al Jazeera, sinusunod lamang ng mga otoridad sa Bahrain ang batas ang tinawag si al-Haddad na isang “terorista”.
Magugunitang napaslang din si Ali Jawad Al Shaikh [en] mula sa bayan ng Sitra noong nakaraang taon sa araw ng Eid.
Dahil sa pagkakahawig ng pagkamatay ng dalawang binata sa magkasunod na Eid, pati na ang pag-aresto ng dose-dosenang kabataan, nilikha ng mga netizen ang hash tag na #eid_without_kids.
Ibinahagi ni Noor Rajab ang bidyong ito sa YouTube, kung saan ipinapakita ang pagtatapon ng tear gas ng mga otoridad sa mga kabahayan ng mga taga-Sitra: