Mga kwento noong 22 Setyembre 2012
Ehipto: Makasaysayang Pamilihan ng mga Aklat, Sinalakay ng Pulisya
Madaling araw ng ika-7 ng Setyembre nang mabalitaan ng mga taga-Egypt ang ginawang pagsalakay sa mga tindahan ng mga libro sa Kalye Prophet Daniel sa lungsod ng Alexandria. Maraming nagsasabing kagagawan ito ng mga taga-Ministeryo ng Interyor. Bumuhos naman ang poot ng mga netizen sa Muslim Brotherhood, na inaakusahang unti-unting sumisira sa yamang-kultura ng bansa.
Bidyo: Pagsabog ng Bulkang San Cristobal sa Hilagang Nicaragua
Mapapanood sa YouTube ang mga eksenang kuha ng mga netizen sa kamangha-manghang pagsabog ng bulkan sa bansang Nicaragua noong ika-8 ng Setyembre, 2012. Nasaksihan ng mga netizen ang pagsabog ng Bulkang San Cristobal, na siyang pinakamatayog sa Nicaragua na matatagpuan sa Gitnang Amerika. Alas-9 ng umaga nang magbuga ito ng makakapal na usok at abo, dahilan upang lumikas ang higit 3000 katao sa bayan ng Chinandega.