- Global Voices sa Filipino - https://fil.globalvoices.org -

Syria: Mga Bidyo, Idinokumento ang Tumitinding Sagupaan

Categories: Middle East & North Africa, Syria, Citizen Media, Digital Activism, Human Rights, Politics, Protest, War & Conflict, Youth

[Lahat ng link sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nakasulat sa wikang Ingles.]

Ang artikulong ito ay bahagi ng aming espesyal na pagtalakay sa Protesta sa Syria 2011/12 [1].

Ikinasawi ng ilang mahahalagang tauhan ni Pangulong Bashar Al Assad ang pag-atake noong Hulyo sa Damascus, kabisera ng Syria, sa gitna ng tumitinding bakbakan sa pagitan ng rehimeng Syrian at ng mga kasapi ng oposisyon na tumagal ng 16 na buwan. Noong Hulyo 19, iniulat ng mga aktibista ang patuloy na kaguluhan sa ilang pook na nakapalibot sa lungsod ng Damascus. Sa araw ding iyon, ibinalita ang hindi pag-apruba [2] ng bansang Ruso at Tsina sa resolusyon ng United Nations Security Council na magpapataw sana ng parusa sa pamahalaang Syria dahil sa hindi pagsunod sa pandaigdigang kasunduang pangkapayapaan.

Mainit na pinag-usapan sa mga social media ang balita mula sa Syria. Sa pamamagitan ng mga bidyo sa YouTube na kuha ng mga aktibista, nasaksihan ng mga taga-ibang bansa ang mga mahahalagang kaganapan sa lumalalang giyera doon.

Matapos ibalita ang pambobomba sa Damascus, nagsimulang dumagsa ang mga ulat ng mortar shelling at air bombing sa pamayanan sa palibot ng siyudad. Marami sa ito ang nakunan sa bidyo, gaya ng bidyong kuha ni msyria91 [3]:

http://www.youtube.com/watch?v=dzPk0GAdR7k&feature=player_embedded [4]

Noong Hulyo 18, ibinalita ng mga aktibista ang pagpapadala ng militar ng mga tankeng panggiyera sa Damascus. Habang patuloy na rumuronda ang mga helicopter sa himpapawid, paisa-isang nagsisisilabasan sa lansangan ang mga taga-siyudad upang magdalamhati sa mga nasawi sa digmaan, tulad na lamang ng susunod na bidyong kuha ni marrywayne [5]:

http://www.youtube.com/watch?v=1_ykGov2OLs&feature=player_embedded [6]

Narito naman ang isa pang bidyo ni marrywayne, na umano'y pinapakita ang pagdiriwang ng mga taga-nayon sa pagkakapaslang ng mga tauhan ni Bashar al-Assad:

http://www.youtube.com/watch?v=ObKfPoFcZYQ&feature=player_embedded [7]

Kasunod namang lumutang sa social media ang balita ng malawakang pagpaslang sa Damascus na gawa ng mga utusan ni Assad, ang shabiha. Agad naman sumulpot ang mga maseselang bidyo [8] sa YouTube (pinapayuhan ang mga manonood na naglalalaman ng karahasan ang bidyong ito).

Ilang bidyo naman na iniupload ng Moviestrailersclips [9] upang ipaalam sa lahat ang pinsalang dulot ng isinagawang shelling ng gobyerno sa pamayanan ng Midan sa Damascus:

http://www.youtube.com/watch?v=z3jyU0AerCs&feature=player_embedded [10]

Tumagal ng buong magdamag ang naganap na matinding sagupaan at mortar shelling sa mga pamayanan ng Midan, gaya ng pinapakita ng bidyong kuha ng MidanRevolution [11]:

Noong Hulyo 19, ibinalita ng mga miyembro ng oposisyon ang patuloy na salpukan sa may bandang timog ng Damascus. Naiulat ang kakulangan ng pagkain sa lugar. Sa kasunod na bidyo na iniupload ni jamalworkmail [12], makikitang pinipilihan ng mga residente ng Damascus ang alok na tinapay:

http://www.youtube.com/watch?v=DTat7DLCL24&feature=player_embedded [13]

Noong araw ding iyon, mabilis na nairesolba ng mga taga-roon ang sitwasyon. Ayon sa isang bidyo na iniupload ng libyanproud [14], tuluyang napasakamay ng mga kasapi ng oposisyon ang isang crossing gate na nagdudugtong sa Syria at Iraq:

Ikinumpirma naman ng isang opisyales ng Iraq [15] sa tanggapan ng AFP na totoong hawak na ng mga rebeldeng Syrian ang lahat ng mga kalsadang nagdudugtong sa Iraq at Syria.

Ang artikulong ito ay bahagi ng aming espesyal na pagtalakay sa Protesta sa Syria 2011/12 [1].