See all those languages up there? We translate Global Voices stories to make the world's citizen media available to everyone.

Learn more about Lingua Translation  »

Syria: Mga Bidyo, Idinokumento ang Tumitinding Sagupaan

[Lahat ng link sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nakasulat sa wikang Ingles.]

Ang artikulong ito ay bahagi ng aming espesyal na pagtalakay sa Protesta sa Syria 2011/12.

Ikinasawi ng ilang mahahalagang tauhan ni Pangulong Bashar Al Assad ang pag-atake noong Hulyo sa Damascus, kabisera ng Syria, sa gitna ng tumitinding bakbakan sa pagitan ng rehimeng Syrian at ng mga kasapi ng oposisyon na tumagal ng 16 na buwan. Noong Hulyo 19, iniulat ng mga aktibista ang patuloy na kaguluhan sa ilang pook na nakapalibot sa lungsod ng Damascus. Sa araw ding iyon, ibinalita ang hindi pag-apruba ng bansang Ruso at Tsina sa resolusyon ng United Nations Security Council na magpapataw sana ng parusa sa pamahalaang Syria dahil sa hindi pagsunod sa pandaigdigang kasunduang pangkapayapaan.

Mainit na pinag-usapan sa mga social media ang balita mula sa Syria. Sa pamamagitan ng mga bidyo sa YouTube na kuha ng mga aktibista, nasaksihan ng mga taga-ibang bansa ang mga mahahalagang kaganapan sa lumalalang giyera doon.

Matapos ibalita ang pambobomba sa Damascus, nagsimulang dumagsa ang mga ulat ng mortar shelling at air bombing sa pamayanan sa palibot ng siyudad. Marami sa ito ang nakunan sa bidyo, gaya ng bidyong kuha ni msyria91:

http://www.youtube.com/watch?v=dzPk0GAdR7k&feature=player_embedded

Noong Hulyo 18, ibinalita ng mga aktibista ang pagpapadala ng militar ng mga tankeng panggiyera sa Damascus. Habang patuloy na rumuronda ang mga helicopter sa himpapawid, paisa-isang nagsisisilabasan sa lansangan ang mga taga-siyudad upang magdalamhati sa mga nasawi sa digmaan, tulad na lamang ng susunod na bidyong kuha ni marrywayne:

http://www.youtube.com/watch?v=1_ykGov2OLs&feature=player_embedded

Narito naman ang isa pang bidyo ni marrywayne, na umano'y pinapakita ang pagdiriwang ng mga taga-nayon sa pagkakapaslang ng mga tauhan ni Bashar al-Assad:

http://www.youtube.com/watch?v=ObKfPoFcZYQ&feature=player_embedded

Kasunod namang lumutang sa social media ang balita ng malawakang pagpaslang sa Damascus na gawa ng mga utusan ni Assad, ang shabiha. Agad naman sumulpot ang mga maseselang bidyo sa YouTube (pinapayuhan ang mga manonood na naglalalaman ng karahasan ang bidyong ito).

Ilang bidyo naman na iniupload ng Moviestrailersclips upang ipaalam sa lahat ang pinsalang dulot ng isinagawang shelling ng gobyerno sa pamayanan ng Midan sa Damascus:

http://www.youtube.com/watch?v=z3jyU0AerCs&feature=player_embedded

Tumagal ng buong magdamag ang naganap na matinding sagupaan at mortar shelling sa mga pamayanan ng Midan, gaya ng pinapakita ng bidyong kuha ng MidanRevolution:

Noong Hulyo 19, ibinalita ng mga miyembro ng oposisyon ang patuloy na salpukan sa may bandang timog ng Damascus. Naiulat ang kakulangan ng pagkain sa lugar. Sa kasunod na bidyo na iniupload ni jamalworkmail, makikitang pinipilihan ng mga residente ng Damascus ang alok na tinapay:

http://www.youtube.com/watch?v=DTat7DLCL24&feature=player_embedded

Noong araw ding iyon, mabilis na nairesolba ng mga taga-roon ang sitwasyon. Ayon sa isang bidyo na iniupload ng libyanproud, tuluyang napasakamay ng mga kasapi ng oposisyon ang isang crossing gate na nagdudugtong sa Syria at Iraq:

Ikinumpirma naman ng isang opisyales ng Iraq sa tanggapan ng AFP na totoong hawak na ng mga rebeldeng Syrian ang lahat ng mga kalsadang nagdudugtong sa Iraq at Syria.

Ang artikulong ito ay bahagi ng aming espesyal na pagtalakay sa Protesta sa Syria 2011/12.

1 Komento

  • May i share to you an article which if read by our world leaders, will show them the only way to totally end the conflict in the Middle East without the use of military force;

    http://www.thename.ph/thename/listen-en.html or http://www.thenameonline.info/…/revelations/listen-en.html

    The links i shared is not about promoting a religion but about sharing God ‘s IMPORTANT message in the Bible as revealed thru His last prophet, Teacher Eraño Martin Evangelista to our world leaders what they should do to end the longtime conflict in the Middle East and lead all nations towards true unity and world peace. However, if the leaders of the world will not heed the message from God (as revealed by Teacher Evangelista in the Bible) and proceed to continue the war that is occurring in the Middle East – what will happen?

    A very horrible event will happen:

    This is the plague with which the LORD will strike all the nations that fought against Jerusalem: Their flesh will rot while they are still standing on their feet, their eyes will rot in their sockets, and their tongues will rot in their mouths. On that day men will be stricken by the LORD with great panic. Each man will seize the hand of another, and they will attack each other. Judah too will fight at Jerusalem. The wealth of all the surrounding nations will be collected – great quantities of gold and silver and clothing. A similar plague will strike the horses and mules, the camels and donkeys, and all the animals in those camps.
    Zechariah 14:12-15 (NIV)

    “Their flesh will rot while they are still standing on their feet, their eyes will rot in their sockets, and their tongues will rot in their mouths. “- Because if the leaders of the world will not listen to the message that God gave His prophet like Moses, and will proceed with their war, it will escalate into a great conflict that will affect Jerusalem and that will lead to such a plague that peoples flesh will rot while they are standing.

    What kind of warfare would it be?

    Though it is scary to think about it, the intention of Teacher Evangelista is not to scare anyone. His intention is to make people aware of this prophecy, so it may not happen.

    Whether the reader accept what is revealed in the links we shared or not is his/her decision. We all have free-will. What is important is all were informed.

Join the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.