- Global Voices sa Filipino - https://fil.globalvoices.org -

Chile: Mga Larawan ng Protesta sa Aysén, Ibinahagi sa Twitter

Categories: Latin America, Chile, Breaking News, Citizen Media, Development, Governance, Protest

[Lahat ng link sa artikulong ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Ingles, maliban na lamang kung may nakasaad.]

[Ang orihinal na bersyon ng artikulong ito ay unang inilathala sa La Opiñón [1] [es], isang online na pahayagan ng mga mamamayan mula sa network ng Mi Voz [2](Aking Boses)]

Umusbong ang isang kilusang panlipunan sa rehiyon ng Aysén [3] sa Patagonia, Chile, upang igiit ang mas magandang kalidad ng pamumuhay at mas mababang presyo ng mga bilihin, ayon na rin sa unang ibinalita ni Elizabeth Rivera para sa Global Voices [4].

Kuha ng mga mamamayan ng Aysén ang mga litrato ng matinding salpukan noong madaling araw ng ika-22 ng Pebrero, ang pagharang ng kalsada sa pagitan ng Puerto Aysén [5] at Puerto Chacabuco [6], ang panggigipit ng pulisya at walang-humpay na pagpoprotesta, at ibinahagi nila ang mga ito sa mga social networking site.

Twitter ang naging pangunahing hantungan ng mga natatanging larawan ng mga kilos-protestang ito, na pinaralisa ang rehiyon.

Ang pagsakop sa Tulay ng Chacabuco, Jorge Espinoza C. (@espinozacuellar [7]):

Ang sagupaan sa tulay ng Chacabuco sa Aysén, Pebrero 22. Litratong kuha ng Twitpic user na si Jorge Espinoza C. (@espinozacuellar) [8]

Ang sagupaan sa tulay ng Chacabuco sa Aysén, Pebrero 22. Litratong kuha ng Twitpic user na si Jorge Espinoza C. (@espinozacuellar)

"Ang pinsalang iniwan matapos ang magdamag na karahasan sa Aysén." February 22. Litratong kuha ng Twitpic user na si Jorge Espinoza C. (@espinozacuellar) [9]

"Ang pinsalang iniwan matapos ang magdamag na karahasan sa Aysén." February 22. Litratong kuha ng Twitpic user na si Jorge Espinoza C. (@espinozacuellar)

Mga barikada tuwing gabi, Kilusan para sa Aysén (@despiertaAYSEN [10]):

Pagbabarikada sa Puerto Aysén sa dilim, madaling araw sa Pebrero 22. Litratong mula sa Twitpic ng Kilusan para sa Aysén (@despiertaAYSEN) [11]

Pagbabarikada sa Puerto Aysén sa dilim, madaling araw sa Pebrero 22. Litratong mula sa Twitpic ng Kilusan para sa Aysén (@despiertaAYSEN)

Ang pagpapahayag ng Coyhaique [12] sa lansangan, mula kay Kallfulikan (@Kallfulikan [13]):

Litrato ng protesta sa Coyhaique, Pebrero 22. Larawang kuha ng Twitpic user na si @Kallfulikan [14]

Litrato ng protesta sa Coyhaique, Pebrero 22. Larawang kuha ng Twitpic user na si @Kallfulikan

Ang kalsadang nagdudugtong sa Puerto Aysén at Puerto Chacabuco, ni Patricio Segura (@patsegura [15]):

Ang kalsadang nagdudugtong sa Puerto Aysén at Puerto Chacabuco, Pebrero 21. Litrato mula kay Twitpic user Patricio Segura (@patsegura) [16]

Ang kalsadang nagdudugtong sa Puerto Aysén at Puerto Chacabuco, Pebrero 21. Litrato mula kay Twitpic user Patricio Segura (@patsegura)

Mga kalsadang hinarangan, Alonso Nuñez (@alonso_nunez [17]):

Mga kalsadang hinarangan, Pebrero 21. Larawan mula kay Twitpic user Alonso Nuñez (@alonso_nunez) [18]

Mga kalsadang hinarangan, Pebrero 21. Larawan mula kay Twitpic user Alonso Nuñez (@alonso_nunez)

Ang daan patungong Coyhaique, Jorge Espinoza C. (@espinozacuellar [7]):

Hinarangan ang ruta sa pagitan ng Aysén at Coyhaique, araw ng Linggo, Pebrero 19. Litrato ng Twitpic user na si Jorge Espinoza C. (@espinozacuellar) [19]

Hinarangan ang ruta sa pagitan ng Aysén at Coyhaique, araw ng Linggo, Pebrero 19. Litrato ng Twitpic user na si Jorge Espinoza C. (@espinozacuellar)