Isang ospital sa bansang Tsina ang may espesyal na alok sa mga estudyante ng mga unibersidad sa presyong hulugan; ito ay ang serbisyong pagpapalaglag para sa mga dalagang aksidenteng mabubuntis. Naging mainit na usapin sa internet sa Hong Kong ang nasabing poster ng ospital, at nangibabaw dito ang mga usaping moral.
Patalastas ng ospital
Poster ng ospital, kung saan may tatlong babaeng napatalon sa tuwa dahil maaari nang bayaran ang pagpapalaglag sa presyong hulugan (pampublikong larawan)
Narito ang nakasulat sa poster:
大學期間,意外懷孕了
做人流也可 ”分期付款“了
此活動只限學生
本人只需憑身份證或學生證到沈陽市中山醫院做人流,即可辦理分期付款手續,首付30﹪起各型套餐任選,在保證學生的私密性的同時,方便快捷。
Kung sakaling mabuntis ka habang nag-aaral sa unibersidad
Ngayon maaari mo nang bayaran ang serbisyong pagpapalaglag sa presyong hulugan
Para lamang sa mga estudyante ang alok na ito
Magdala lamang ng ID ng paaralan sa Ospital ng Shenyang Sun Yatsen at maaari mo nang magamit ang aming pasilidad sa pagpapalaglag. Nasa 30% ang pinakamababang installment, at marami pang ibang paraan ng hulugan ang mapagpipilian. Napakadali ng proseso at sisiguraduhin namin ang iyong pagiging pribado.
Bagamat halos pangkaraniwan nang ginagawa sa Tsina ang pagpapalaglag, lumikha pa rin ito sa Hong Kong ng debate hinggil sa aspetong moralidad [zh]:
@Aris Coffee: 若拋開宗教反對墮胎的話,我就看不出有何不妥?若可以分期付款,那對一些經濟不好但意外懷孕又沒成熟到可以養育子女的女學生也是一種幫助,難道要她們冒險去那些黑市無牌醫生去流產嗎?其實分期付款,跟買醫療保險每月供款及買電視冰箱分期付款沒有什麼大分別。
@Aris Coffee: Kung isasantabi natin ang mga relihiyosong pananaw laban sa pagpapalaglag, wala akong nakikitang mali. Makakatulong ang paraang hulugan para sa mga kababaihang nag-aaral sa mga pamantasan na aksidenteng nabubuntis at hindi pa handang magka-anak. Hindi na nila kailangang pumunta sa mga doktor na walang lisensya para magpalaglag. Ang ganitong sistema ay walang pinagkaiba sa pagbili ng medical insurance o ng mga de-kuryenteng kagamitang pambahay na binabayaran ng hulugan.
@俞火: 這不是宗教與是否合法的問題。在說的是生命,無論因為什麼原因,最後需要如何善後都是該嚴肅面對,而不是「開心到飛起」的事情。同一件事、同一個做法,但心態、道德就是決定你做事的態度,在同一件事上下來將再怎樣學習和面對,會否重蹈覆轍!
不要這些孩子去黑市墮胎,不就等如要興高采烈的如此 promote 「開心到飛起」的墮胎, 把這必要時的服務當成派對商品的!
@俞火: Sa tingin ko hindi ito isyung legal o panrelihiyon. Buhay ang pinag-uusapan natin. Anuman man ang maging sitwasyon, ito ay isang seryosong usapin, sa halip na magtatatalon sa tuwa. Pareho man ang maging desisyon sa huli, makikita sa pag-uugali ang kaibahan. Nasa pag-uugali makikita kung may natutunan ba kayo sa mga nangyari at iiwasan na ang mga ganitong pagkakamali. Ayaw naman nating pumunta sila sa mga doktor na walang lisensya, subalit hindi rin naman tamang ipangalandakan ang pagpapalaglag bilang “masaya at nakakasabik na bagay”, na tulad ng pagbebenta ng mga kagamitan sa isang party!
@Carmen Tong: 我是不反對墮胎的, 正如你說的情況, 女性是能該擁有the control of their own body. 反感的是此廣告promote的價值觀: 處理掉一個生命很害易, 冇錢都唔緊要. 不安全性行為也冇所謂, 一旦出事有我們提供方便!
這和叫你成身card數去借那些”card數一筆清”,然後繼續放縱消費的廣告就真係冇乜分別了~
@Carmen Tong: Hindi naman ako tutol sa pagpapalaglag at sabi niyo nga, dapat pangalagaan ng mga kababaihan ang kani-kanilang katawan. Ang ayaw ko lang ay ang pinapahiwatig ng patalastas na ito: na madali lang ang pagkitil ng buhay. Hindi mo na kailangan ng maraming pera, hindi na kailangang mag-ingat sa pakikipagtalik – na kung sakaling may mabuo, may solusyon diyan. Parang patalastas lang iyan ng madaliang pangungutang, na maaari ka pang bumili ng mga luho bagamat nakabaon ka na pala sa maraming utang.
@Joyce Ho: 覺得呢張廣告無問題噶人,你地知唔知道,大陸系無性教育噶?就係因為到處充斥呢種漠視生命,美化人流噶廣告,有唔少女學生,從來都唔做防護措施,一年做幾次人流。我先唔講坯胎的生存權,無保護的性交,與無數次人流,對女性噶身體傷害有幾大,任何一個正常人都應該知道。但好可惜,系大陸,好多少女,包括大學生都唔知道。難道這些商業醫療機構和政府,沒有任何責任嗎?
@Joyce Ho: Sa mga nag-iisip na wala namang problema ang patalastas na ito, alam niyo ba na hindi tinuturo ang araling sekswalidad sa Tsina? Minamaliit ng mga patalastas na gaya nito ang halaga ng isang buhay at pinapabango ang proseso ng pagpapalaglag, kaya nahihikayat ang mga dalaga sa mga mapapanganib na pakikipagtalik. Hindi na sila nag-iingat at nagpapa-abort ng maraming beses sa isang taon. Ayoko sanang pangunahan ang argumento tungkol sa karapatang mabuhay ng isang embryo sa sinapupunan, ngunit ang mapanganib na pakikipagtalik at ang paulit-ulit na pagpapalaglag ay nakakasama sa kalusugan ng isang babae. Common sense lang ito. Ngunit sa Tsina, napakaraming dalaga ang nananatiling mangmang sa mga bagay na ganito. Hindi ba't trabaho ito ng gobyerno at ng mga kompanyang medikal?