[Lahat ng link sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Koreano.]
Kamakailan naglabas ng hatol ang isang korte sa Timog Korea tungkol sa reklamong sexual harassment o pambabastos na inulan ng samu't saring komento at mga biro [1] sa Twitter.
Isang babaeng empleyado ng isang tindahan ng mga gamit pang-golf ang nagsampa ng kaso laban sa isang lalaking kustomer. Ayon sa nagrereklamo, ‘di-umano'y hinipo ng kustomer ang kanyang ‘bahagi ng suso’ nang labag sa loob niya. Ipinawalang-bisa naman ni Judge Kim ng Hukumang Pangdistrito ng Daegu ang nasabing kaso [1] nooong Hulyo 3, 2012, dahil ang bahagi ng katawan na sinasabing nahawakan ay malapit sa balagat o collarbone at hindi raw ito “maselan at sensitibo” na gaya ng dibdib.
Matapos mag-tweet [2] si Kim Nam-Hoon (@namhoon [3]), isang sikat na personalidad sa Twitter sa Timog Korea, dose-dosenang komento ang kanyang natanggap na kumukuwestiyon sa naging desisyon ng korte:
판사가 이젠 성감대까지 감별
Ganito naman ang komento [4] ni @taek2_j [5]:
쇄골 아래는 성감대가 아니었군요! 판사님이 성감대까지 정해주시다니 친절도 하셔라.
Sa pananaw [6] ni @please_be_happy [7]:
성추행을 당한 사람이 느껴야만 성추행으로 인정된다는건가? 미친거 아냐?
Dagdag pa [8] ni @dreamer_sun [9]:
모르긴해도 저부위가 판사의 성감대는 아닌걸로.
Bumenta naman ang joke na ito [10] mula kay @Ex_armydoc [11] at ini-retweet ng higit sa 640 beses:
한국 법정에서 공식적으로 쇄골 밑은 성감대가 아니라고 판결했습니다. 이제부터 쇄골 밑에서 느끼시는 분들은 불법을 자행하고 계신 것이니 가까운 파출소나 경찰서에 신고하여 주시기 바랍니다.
Para naman sa ibang mga netizen [12], nagiging kalabisan minsan ang pag-uulat ng midya tungkol sa isyu. Nilinaw naman ni @aqua7414 [13] sa kanyang tweet [14] na may pangunahing tuntunin ang pagdedesisyon sa mga kaso ng pambabastos.
언제부터 성감대를 법으로 정했냐? 신체접촉이 불쾌했다면 그게 성추행이지. 그럼 발에 집착하고 손에집착하는 사람들..아동성범죄 저지르는 놈들 다 무죄겠네? 아이가 성감대가 있을리 없잖아? 법원은 뇌를 들고 출근해라!