[Lahat ng link sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Koreano.]
Kamakailan naglabas ng hatol ang isang korte sa Timog Korea tungkol sa reklamong sexual harassment o pambabastos na inulan ng samu't saring komento at mga biro sa Twitter.
Isang babaeng empleyado ng isang tindahan ng mga gamit pang-golf ang nagsampa ng kaso laban sa isang lalaking kustomer. Ayon sa nagrereklamo, ‘di-umano'y hinipo ng kustomer ang kanyang ‘bahagi ng suso’ nang labag sa loob niya. Ipinawalang-bisa naman ni Judge Kim ng Hukumang Pangdistrito ng Daegu ang nasabing kaso nooong Hulyo 3, 2012, dahil ang bahagi ng katawan na sinasabing nahawakan ay malapit sa balagat o collarbone at hindi raw ito “maselan at sensitibo” na gaya ng dibdib.

Sa ginanap na SlutWalk March sa London, Britanya, suot-suot ng babaeng ito ang damit laban sa mga karahasang sekswal. Litratong kuha ni Alex Milan Tracy, karapatang maglathala (c) Demotix (11/06/2011)
Matapos mag-tweet si Kim Nam-Hoon (@namhoon), isang sikat na personalidad sa Twitter sa Timog Korea, dose-dosenang komento ang kanyang natanggap na kumukuwestiyon sa naging desisyon ng korte:
판사가 이젠 성감대까지 감별
Ganito naman ang komento ni @taek2_j:
쇄골 아래는 성감대가 아니었군요! 판사님이 성감대까지 정해주시다니 친절도 하셔라.
Sa pananaw ni @please_be_happy:
성추행을 당한 사람이 느껴야만 성추행으로 인정된다는건가? 미친거 아냐?
모르긴해도 저부위가 판사의 성감대는 아닌걸로.
Bumenta naman ang joke na ito mula kay @Ex_armydoc at ini-retweet ng higit sa 640 beses:
한국 법정에서 공식적으로 쇄골 밑은 성감대가 아니라고 판결했습니다. 이제부터 쇄골 밑에서 느끼시는 분들은 불법을 자행하고 계신 것이니 가까운 파출소나 경찰서에 신고하여 주시기 바랍니다.
Para naman sa ibang mga netizen, nagiging kalabisan minsan ang pag-uulat ng midya tungkol sa isyu. Nilinaw naman ni @aqua7414 sa kanyang tweet na may pangunahing tuntunin ang pagdedesisyon sa mga kaso ng pambabastos.
언제부터 성감대를 법으로 정했냐? 신체접촉이 불쾌했다면 그게 성추행이지. 그럼 발에 집착하고 손에집착하는 사람들..아동성범죄 저지르는 놈들 다 무죄겠네? 아이가 성감대가 있을리 없잖아? 법원은 뇌를 들고 출근해라!
1 Komento
woahhh…. that is too sad to know… Nice to have a group in the Philippines that is supportive to women and children…. :D