[Lahat ng link sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Pranses, maliban na lamang kung may nakasaad.]
Ika-13 ng Pebrero, 2012 sa ganap na 20h00, lokal na oras, tinumbok ng bagyong Giovanna ang bansang Madagascar. Nasa ika-4 na kategorya ang nasabing bagyo, taglay ang hanging umaabot sa 194 kph (120 mph) na madaling pinatumba ang mga punong-kahoy at malalaking poste ng koryente.
Ayon sa mga opisyal na ulat, hindi bababa sa 10 ang bilang ng mga nasawi. Tuluyang nawalan ng koryente ang dalawang pinakamalaking siyudad sa Madagascar, ang Antananarivo at Toamasina, sa gitna ng pinakamadilim na Araw ng mga Puso sa bansa.
Mga taong apektado ng baha sa Madagascar. Litratong kuha ni Minosoa Paniela, ginamit ng may permiso.
Isang mapang interactive na ginamitan ng crowdsourcing ang binuo ng grupo ng mga blogger sa Madagascar
Narito ang ilang litrato at bidyo na nagpapakita ng lawak ng delubyo:
Buo pa rin ang mga ngiti ng mga mamamayan sa kabila ng matinding baha na dulot ng bagyong Giovanna; litratong mula sa Twitter user na si @aKoloina
Umapaw ang Ilog Imamba at nilamon ang mga kabahayan at mga sasakyan sa Sabotsy-Namehana mula sa giovanna77.blogg.org