- Global Voices sa Filipino - https://fil.globalvoices.org -

Ehipto: Pagtutol sa Pambabastos, Idinaan sa Protesta

Categories: Middle East & North Africa, Egypt, Citizen Media, Human Rights, Protest, Women & Gender

[Lahat ng link sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Ingles.]

Sa bansang Egypt, malaking suliranin [1] ang pagdami ng mga insidente ng pambabastos o sexual harassment, samantalang lumalakas ang panawagan na bigyang lunas ang ganitong problema. Isang protesta ang isinagawa ng mga kabataan, na kinabibilangan ng mga kalalakihan at kababaihan, sa distrito ng Nasr City sa lungsod ng Cairo noong ika-4 ng Hulyo, upang ipahayag ang pagtutol sa pambabastos.

Magmula nang sumiklab ang rebolusyon sa bansa, naging panawagan ng maraming taga-Egypt sa loob at labas ng internet [2] ang problema ng pambabastos at iba pang uri ng karahasan dahil sa kasarian. Noong Hunyo, isang pagmartsa ng mga kababaihan laban sa pambabastos [3] ang hinarang ng ilang kalalakihan [4]. Sa kabila nito, patuloy pa rin ang mga aktibista sa pagdaos ng iba't ibang inisiyatibo laban sa pambabastos.

Layon ng protesta noong Hulyo 4 ang gawing ligtas ang mga lansangan para sa lahat. Dumalo sa pagtitipon si Maged Tawfiles [5] at ibinahagi ang mga sumusunod na litrato [6] (lahat ng mga larawan dito ay may pahintulot sa paglalathala):

[7]

“Ang aking kalayaan ay ang aking dangal”

[7]

“Karapatan ng mga kababaihan sa Egypt ang kalayaang makapaglakad”

[7]

“Ayokong kamuhian ang aking pagiging babae”

[7]

“Sana'y itigil mo na ang pagtingin sa aking katawan”

[7]

“Gusto kong sumakay ng bisikleta nang hindi nababastos”

[7]

“Hindi ako mambabastos nang hindi mabastos ang kapatid ko”

[7]

“Pigilan ang iyong sarili, huwag ang aking pananamit”

[7]

“Hindi iyo ang lansangan, hindi iyo ang aking kalayaan”