- Global Voices sa Filipino - https://fil.globalvoices.org -

Vietnam: Luntiang Espasyo sa Lungsod ng Ho Chi Minh, Naglalaho

Categories: East Asia, Vietnam, Citizen Media, Development, Economics & Business, Environment

Ikinalungkot ng manunulat sa blog na Backwater Views ang tungkol sa “matinding kakulangan ng luntiang espasyo [1]” [en] sa siyudad ng Ho Chi Minh sa bansang Vietnam. Tinukoy ng may-akda na may 50 porsiyento ng kabuuang luntiang espasyo ang nabura sa mukha ng lungsod sa pagitan ng 1998 at 2008, ayon sa isang ulat.