Tsina: Pagpapatawad sa May Sala sa Masaker sa Tiananmen?

Noong ika-4 ng Hunyo 2012, isinagawa ang taunang vigil at pagsisindi ng kandila sa Hong Kong kung saan higit 180,000 katao ang dumalo [en] upang ipanawagan ang katarungan para sa mga biktima ng protesta sa Tiananmen Square noong 1989 [en].

Narito ang bidyo ng pagsisindi ng kandila sa Liwasang Victoria sa Hong Kong bilang ika-23 anibersaryo ng Masaker ng 1989 sa Tiananmen (inupload ni [en] ang bidyong ito sa YouTube):

Kasabay nito, nagsulat sa Huffington Post ang dating student lider na si Chai Ling [en], na nagpakalayo sa ibang bansa matapos ang insidente. Ayon sa kanyang artikulo [en], napatawad na nito ang mga taong may pakana sa masaker sa Tiananmen. Umalma naman ang dating student lider na si Wang Dan [en] sa posisyon ni Chai Ling, at nagbigay ng kanyang salungat na pahayag sa Facebook. Isang malaking debate ang sumunod na nangyari.

Ayon kay Chai Ling, kanya nang pinapatawad sila Deng Xiaoping at Li Peng na siyang nagbigay ng utos sa militar na patayin ang mga mag-aaral at mga taga-Beijing sa Tiananmen Square noong 1989. Binanggit din niya ang pagpapatawad sa kasalukuyang pamunuan ng Tsina na patuloy na pumipigil sa mga mamamayan ng Tsina. Matapos mabasa ang artikulo, nagsulat ng komento [zh] si Wang Dan sa kanyang Facebook page:

對柴玲的個人信仰導致的這個意見,我表示尊重,但是完全不能同意。我認為,在殺人者還沒有任何懺悔,道歉,甚至還在繼續殺人的時候,被害方的原諒是沒有根據的。這樣的原諒,對六四死難者是很大的不公平。

我希望外界知道,柴玲的這番談話只代表她自己以及她的信仰,並不能代表廣大的八九同學。

我也公開呼籲柴玲正確區分個人的信仰與是非價值判斷這兩件事。

Nirerespeto ko ang opinyon ni Chai Ling na naaayon sa kanyang pananampalataya. Subalit hindi ako sumasang-ayon dito. Hangga't hindi nagsisisi at humingi ng kapatawaran ang mga pumatay, walang basehan ang pagpapatawad. Hindi iyon makatwiran alang-alang sa mga biktima ng nangyari noong Hunyo a-cuatro.

Malaman sana ng buong mundo na ang pananaw ni Chai Ling ay para sa kanya lamang. Hindi nito kinakatawan ang mga estudyante noong 1989.

Hinihimok ko din si Chai Ling na paghiwalayin ang kanyang paniniwalang panrelihiyon at kanyang pagsasawata.

Hindi bababa sa 200 puna ang natanggap ng komento; karamihan sa mga ito ay sumusuporta kay Wang Dan at bumabatikos sa posisyon ni Chai Ling. Narito ang ilan sa mga karaniwang opinyon:

Marianne Wong [zh]: 是殺人!一定要先認錯/認罪,然後才能再講原諒/寬恕!!

Marianne Wong: Pagkatay ng mga tao ang pinag-uusapan natin! Ang pagpapatawad ay kasunod lamang ng pag-amin sa kasalanan.

Alexander Shen [zh]: 我一直就觉得那个人不是个好人 让别人流血唤醒国人 自己却跑了;23年前和现在根本判若两人 根本就是个小人嘛

Alexander Shen: Matagal ko nang iniisip na hindi siya mabuting tao. Tumakas siya ng bansa nang dumanak ang dugo; nagbago siya sa loob ng 23 taon. Naging makitid ang kanyang utak.

陳柏年 [zh]: 我也是基督徒,但除了愛以外,基督的另一個核心價值精神,是公義。而這,我認為正是89的同學、當今廣大的中國人民,甚至所謂崛起的中國所最迫切需要的~~~

陳柏年: Isa rin akong Kristiyano. Kasabay ng pagmamahal sa kapwa, tinuturo din sa Kristiyanismo ang tungkol sa katarungan, na siyang hinihingi para sa mga biktima noong 1989, para sa mga mamamayan ng Tsina, at para sa Tsina mismo.

Wen-shin Lee [zh]: 柴玲個人當場可以選擇原諒,但這不代表公義不該被申張。這跟受害人可以選擇原諒,但加害人仍然應付法律責任一樣。

Wen-shin Lee: Maaaring pinili ni Chai Ling na magpatawad. Subalit hindi ibig sabihin na hindi dapat usigin ang kawalang-hustisya. Maaaring piliin ng mga biktima ang magpatawad ngunit kailangang managot sa batas ang mga kinasuhan.

Autumn Moon [en]: ‎”I am not anti anything, including China. But I will advocate for the truth and I want the truth to be known.” – HH Karmapa

Autumn Moon: “Hindi ako tutol sa anuman, kahit sa Tsina. Ngunit isusulong ko ang katotohanan at gusto kong malaman kung alin ang totoo.” – HH Karmapa

早雲直心 [zh]: 如果當初她沒能逃離,現在還會這樣說嗎?

早雲直心: Kung hindi ba siya nakatakas, ganito pa rin kaya ang sasabihin niya?

Ming Zou [zh]: 柴玲在23年前就做了选择,成为了公众人物。既然是公众人物,她只好让公众评论。在我看来,她太另我失望!!她经历了苦难,她在25岁失去母亲,但她的母亲没有失去她,因为她今天还活着,活在一个民主国家,呼吸着民主的空气,享受着言论自由……,不知道柴玲是否想过她这么做是否对的起天安门家长们。他们的孩子们那时就是和柴玲在一起为中华民族的民主奋斗,她是那些孩子们的学运领袖之一,天安门家长23年来受的煎熬难道柴玲的那些经历能比吗?柴玲的作为不正是让那些讲风凉话的人们名正言顺地加一句:“就这水平,还领导学运?幸亏没成功,不然中国落到这种人手里,还了得?” 希望王丹做为柴玲89的‘战友“,能有机会和她私下谈谈,虽然人各有志,但请柴玲别丢六四的脸,别伤天安门家长的心,别做对在中国实现民主不利的是。她可以从此销声匿迹,闭门祷告,但别在人前做出这么没水平的’宣言”。我敢肯定她的上帝也不会赞同她的做法的。

Ming Zhou: 23 taon ang nakaraan, nagdesisyon si Chai Ling at naging sikat na personalidad. Bilang kilalang tao, kailan niyang harapin ang publiko. Nalulungkot ako para sa kanya. Siya'y naghirap, nawalan ng nanay noong siya ay 25 taong gulang. Ngunit ngayon siya ay nakatira sa isang bansang demokratiko kung saan malaya siyang nakakapagsalita… Hindi ba niya naiisip ang mga magulang ng mga nasawi sa Tiananmen? Demokrasya ang ipinagtatanggol ng mga kabataan na pinamumunuan niya noon. 23 taong naghihinagpis ang kanilang mga magulang, kumpara sa kaginhawaang tinatamasa ngayon ni Chai Ling. May ilang pumupuna: “Ganyang uri ng tao ang namuno sa kilusan ng mga estudyante noon. Buti nalang hindi sila nagtagumpay, kundi matagal ng bumagsak ang Tsina.” Sana kausapin ni Wang Dan si Chai Ling bilang isang kaibigan. Kahit may karapatang pumili ng sariling desisyon ang bawat isa, sana hindi insultuhin ni Chai ang nangyari noong Hunyo 4, hindi niya sana durugin ang puso ng mga magulang ng mga biktima sa Tiananmen, huwag sana siyang sumalungat sa mga adhikaing demokratiko. Maaari siyang magtago, isara ang kanyang pintuan at manalangin. Huwag siyang gumawa ng ganyang pahayag sa harap ng iba. Naniniwala akong hindi sang-ayon ang Diyos sa kanyang ginawa.

May ibang reaksyon naman ang ipinagtanggol si Chai at ang kanyang pananampalataya:

Edward Lim [en]: Chai is not wrong. To forgive is to release oneself from hatred that continues to harm no one but oneself. Without peace in heart, one's life cannot be restored from pain and cannot move on healthily. Praying for the opponents is to give oneself strength to journey on. Justice still needs to be asked on behalf of the victims. Jesus set the example to forgive before people repented so for all who repent before His second coming, they are totally forgiven. For those who insist on doing bad and refuse His forgiveness, they would pay for justice at final judgement. Do not get it mixed up.

Edward Lim: Hindi naman mali si Chai. Ang pagpapatawad ay pagtalikod sa poot na umuubos sa sarili. Kung walang kapayapaan sa puso, hindi ito makakaalpas sa pighati at hindi ito makakaraos. Nagbibigay ng lakas ng loob ang pagdadasal para sa kaaway. Marapat pa ring hingin ang hustisya para sa mga nasawi. Si Hesus ay halimbawa ng pagpapatawad sa lahat ng humihingi ng kapatawaran bago ang kanyang Pangalawang pagbabalik. Sa lahat ng gumagawa ng masama at hindi tinatanggap ang Kanyang kapatawaran, mananagot sila sa huling paghuhukom.

Clyde Xi [en]: In Bible teachings, forgiveness is a personal decision that is made with no conditions attached. It primarily impacts the person who forgives…

Clyde Xi: Ayon sa turo ng Bibliya, ang pagpapatawad ay personal na pagpapasya na walang hinihinging kondisyon. Nasa taong nagpapatawad ang pinakamalaking epekto nito…

 

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.