- Global Voices sa Filipino - https://fil.globalvoices.org -

Timog Korea: Kaguluhan sa Pagpapatayo ng Base Militar sa Jeju, Lalong Uminit

Categories: East Asia, South Korea, Citizen Media, Environment, Indigenous, Media & Journalism, Protest, War & Conflict

Ilang buwang naging sentro ng mga balita ang maliit na bayan ng GangJeong sa Isla ng Jeju. Iyon ay dahil sa matinding iringan sa pagitan ng gobyerno na nais magpatayo ng base militar sa lugar at ng mga raliyistang ipinaglalaban ang kalikasan at mga likas yaman na matatagpuan doon. Sa isang Koreyanong forum, isinatitik ng isang netizen sa wikang Ingles [1] [en] ang isang bidyo sa YouTube [2] [ko] na naglalahad ng mga kaganapan doon sa likod ng mga balita.