- Global Voices sa Filipino - https://fil.globalvoices.org -

Pamumuhay ng may HIV sa Kazakhstan

Categories: Central Asia & Caucasus, Kazakhstan, Citizen Media, Health, Photography

Sa Vox Populi, isang Kazakh blog ng iba't ibang litrato, isinilarawan ni Gulnar Bazhkenova sa kanyang marubdob na pagsasalaysay [1] [ru] ang mga kuwento ng mga indibidwal sa Kazakhstan na may sakit na HIV/AIDS. Nais nilang ibahagi sa ibang tao ang pagkakaroon ng HIV upang “ipakita ang mensahe na sila ay mga normal na tao, at hindi mapanganib ang makipagkaibigan sa mga gaya nila”.