- Global Voices sa Filipino - https://fil.globalvoices.org -

Iran: ‘Dapat tugunan ni Zuckerberg ang pang-iinsulto sa Islam’

Categories: Iran, Citizen Media, Governance, Religion

Ayon sa isinapublikong liham [1] [fa] ng pangkat na “Lupon ng Rebolusyong Islamiko ng mga Aktibista sa IT at Digital Media”, na sinasabing pinopondohan ng pamahalaang Iran, dapat pagtuunan ng pansin ni Mark Zuckerberg ang mga tao sa Facebook na “nang-iinsulto sa Islam” at parusahan ang mga ito. Inihambing nila ang “pang-iinsulto sa Islam gamit ang Facebook” sa pagsalakay ng mga terorista sa mga mamamayang Shia at sa mga templo nito sa Iraq.