Sa kanyang talumpati noong isang buwan sa harap ng pambansang kapulungan ng Lupon ng mga Moske sa Indonesia (DMI), pinasimulan ni Bise Presidente Boediono ang isang debate [en] tungkol sa mungkahing hinaan ang mga loudspeaker ng mga masjid o moske na ginagamit sa araw-araw na pagdarasal.
Gumagamit ang mga moske ng Indonesia ng mga loudspeaker, limang beses kada araw, upang paalalahanan ang publiko na magdasal kasabay ang “adzan”. Nagbabala si Boediono na maaaring nakakadistorbo ang malakas na bolyum nito sa ibang tao, pati na rin sa mga kapwa Muslim na taimtim na sumasamba. Dagdag niya [en], mas maisasapuso ang matiwasay na panawagan sa pagdadasal kaysa sa malalakas na ingay.
Payo naman ng maraming Indonesian kay Boediono, ituon na lang niya ang sarili sa mas mahahalagang isyu. Ayon sa blogger na si happydsf [id]:
Sungguh disayangkan, bahkan sepertinya negara ini ingin mengintimidasi kebebasan warga muslim, di negaranya sendiri, yang notabene juga di sebut negara dengan jumlah penduduk muslim yang mayoritas. masih banyak hal yang harus diselesaikan para wakil rakyat daripada harus mengurusi pengeras suara untuk panggilan sholat.
Nakakalungkot lang dahil sa bansang may pinakamaraming Muslim sa buong mundo, pinipigilan ang kalayaan sa relihiyon. Higit na mas marami ang mga problema na dapat tutukan ng mga mambabatas kaysa sa bolyum ng panawagan sa pagdarasal.
Nakakuha naman ng suporta ang Pangalawang Pangulo mula sa sinulat ng blogger na si Tototapalnise [id]:
Namun, kalau kita coba cermati dengan hati dan kepala dingin, perkataan wapres tersebut merupakan teguran halus buat kita kaum musliman dalam menjaga kualitas para muadzin sekaligus kualitas sound system di masjid-masjid….
…Lalu kenapa kita umat muslim harus memasang muka marah dengan ucapan tersebut dan langsung naik pitam? Apakah sedemikian reaktifkah umat muslim Indonesia yang merupakan mayoritas di negeri ini dengan sebuah kritikan atau masukan?
Kung hihimayin nating mabuti, sinasabi ng kanyang pahayag sa lahat ng mamamayang Muslim na dapat ayusin ang kalidad ng adzan at ng sound system ng mga moske….
…Kaya bakit tayo naiinis at nagagalit agad? Bilang pinakamalaking pangkat relihiyon ng bansa, bakit naman tayo magagalit sa kritismo na ating natatanggap?
Ayon naman kay Haris El Salman [id], hindi naman talaga naging isyu ang lakas ng tunog ng mga loudspeaker:
Bukankan selama ini tenggang rasa antar pemeluk agama masih dalam tahapan yang baik? Bahkan di daerah saya masih ada masjid dan gereja yang hanya dipisahkan oleh sebuah dinding, namun belum pernah saya melihat atau mendengar terjadi pertentangan antara jemaat masjid dan gereja ditempat tersebut, mereka akur-akur saja menjalankan ibadah masing-masing…
…Bukankah ini hanya akan menimbulkan perdebatan-perdebatan yang tidak esensial? Mungkin maksud beliau baik, tapi tidak pada tepatnya. Great idea in the wrong place?
Nagkakasundo pa rin naman ang iba't ibang relihiyon dito sa atin. Doon sa bayan ko, may isang moske at isang simbahan kung saan isang manipis na pader lang ang pagitan, ngunit wala namang awayang nangyayari. Matiwasay naman silang nagdadasal…
…Magsisimula lang iyon (ang pahayag ng Pangalawang Pangulo) ng argumentong walang saysay. Maganda naman ang kanyang intensyon, ngunit hindi sa tamang paraan. Magandang ideya, maling lugar?
Samu't sari naman ang mga reaksyon sa Twitter [id]:
@fgaban: Dalam soal TOA, pernyataan Pak Boed itu otokritik bagus bagi Muslim Indonesia.
@anatriyana: Knp jd msalah? Selama ini kan adzan gak ganggu? RT @Yahoo_ID: Wakil Presiden Boediono meminta suara azan diatur supaya tdk trlalu kncang
@gitaputrid: Sayah senang Wapres Boediono ngomong soal TOA masjid u/azan; minimal ada nyali berani buka front versus suara mayoritas.