- Global Voices sa Filipino - https://fil.globalvoices.org -

Tsina: Mamamahayag ng Al Jazeera Sa Beijing, Pinalayas

Categories: East Asia, China, U.S.A., Citizen Media, Freedom of Speech, International Relations

Binawi ng pamahalaang Tsina mula kay Melissa Chan noong ika-8 ng Mayo, 2012 ang permisong makapagtrabaho bilang mamamahayag ng Al Jazeera Beijing para sa wikang Ingles. Dahil dito, napilitang mag-alsabalutan ang buong tanggapan ng Al Jazeera English sa Beijing.

Tinuturing na malaking hakbang paatras ang naturang ulat [1] [en] para sa ikakalaya ng larangan ng pagbabalita sa bansang Tsina magmula noong 1998 [2] [en], kung kailan huling pinaalis ang isang dayuhang mamamahayag.

Hindi naging malinaw ang mga dahilan na binanggit [3] [en] ng Tagapagsalita ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas na si Hong Lei, subalit isa sa mga maugong na pinag-uusapan sa internet ay ang dokyumentaryo ng Al Jazeera noong 2011 na “Slavery: An 21st Century Evil”, [Pang-aalipin: Kalapastanganan ng Ika-21 Siglo], na binatikos ang sistemang koreksyonal sa pamamagitan ng pagtatrabaho o ang labor reeducation, o ang tinuturing na “state sponsored slavery” [4] [en], at kung saan palihim na kinunan ang kalagayan ng mga bilanggo sa loob ng mga selda sa Tsina. Napag-alaman naman na hindi nakibahagi si Melissa Chan sa paggawa ng nasabing palabas.

[5]

Ulat ni Melissa Chan tungkol sa iligal na pagkamkam ng lupa sa lalawigan ng Zhejiang. Mula sa FMN

Naniniwala naman si Isaac Stone Fish, na nakasama ni Chan sa lupon ng Foreign Correspondent's Club sa Tsina, na inasinta si Chan ng gobyerno ng Tsina dahil sa dugong Intsik nito [6] [en]:

But Chan also fits into the troubling pattern of the foreigners Beijing has targeted over the last decade: those the Chinese government views of having less protection because of their ethnicity and nationality; often with Chinese backgrounds. It appears that someone in the Chinese government wanted to give a warning to journalists without causing an international incident; Chan, a Chinese-American working for a Qatari-based television station, seemed to be an appropriate target. The thinking seems to be that a foreign government will more loudly protest the mistreatment of a citizen who is both born and raised in its own country and working for a domestic company.

Nakakabahalang pasok si Chan sa mga sinasabing pamantayan ng Beijing sa nagdaang dekada sa pagpapaalis ng isang dayuhan: iyon ang mga taong walang sapat na proteksyon, ayon sa tingin ng gobyerno ng Tsina, dahil sa kanilang lahi at nasyonalidad; karamihan sa mga ito ay may lahing Intsik. Marahil babala ito ng pamahalaan sa lahat ng mga mamamahayag na nandoon sa paraang hindi ganoong papansinin ng ibang bansa; akmang target si Chan, isang Tsinong-Amerikano na nagtatrabaho para sa isang himpilang pangtelebisyon na Qatari. Marahil sa pananaw ng gobyerno, higit na aalma ang mga taga-ibang bansa kung nangyari ito sa kanilang mamamayan na lumaki sa kanilang bansa at nagtatrabaho sa isang lokal na kompanya.

Pinuna naman ni Victor Yang [7] [zh] na noong iniulat ni Chan ang tungkol sa mga black jail ng Tsina [8] [en], tinawag siyang “traydor” ng mga nagbabantay ng mga selda doon. Ikinagalit naman ng blogger na si Charlie Custer ng ChinaGeeks [9] [en] ang pagpapaalis kay Chan:

The expulsion of @melissakchan is cowardly, childish and pathetic….just what we've come to expect from the Chinese government.

Karuwagan, ugaling-bata, at hangal ang pagpapatalsik kay @melissakchan …. lahat ng inaasahang gagawin ng pamahalaang Tsina.

Ikinabahala naman ng mga dayuhang mamamahayag na nagtatrabaho sa Tsina ang ugali ng gobyerno ng Tsina. Ayon kay Kathleen McLaughlin sa Twitter [10] [en]:

Sad as I am to see @melissakchan go, I hope this exposes China's larger efforts to censor foreign media via visa manipulation.

Nakakalungkot mang isipin na aalis si @melissakchan, magsilbi sana itong patunay ng hangarin ng Tsina na limitahan ang dayuhang media sa pamamagitan ng pag-iipit sa visa.

Inilahad naman ni Mark MacKinnon [11] [en] na magkadikit ang kinabukasan ng mga dayuhan at lokal na mamamahayag sa bansang Tsina:

This false freedom given to reporters working in China is much more important than Melissa’s case or the careers of any of the foreign correspondents based in China. What’s at stake is not only the outside world’s (already poor) understanding of this rising but paranoid superpower, but also the future of journalism inside China. Chinese journalists have told me that they watch the foreign correspondents with envy, wishing they could report about their own country as freely as we do. Our fight to do our job is intertwined with their fight to do theirs.

Itong huwad na kalayaang binibigay sa mga mamamahayag na nagtatrabaho sa Tsina ay mas malaking bagay kaysa sa nangyari kay Melissa o ang pananatili ng ibang dayuhang mamamahayag sa loob ng bansa. Ayon sa mga mamamahayag na Intsik, naiinggit sila sa mga dayuhan, dahil mas malaya silang nakakapagbalita tungkol sa Tsina. Ang pakikipaglaban para sa ating trabaho ay nakadugtong sa kanila.

Mapapansing hindi gaanong pinag-uusapan sa blogosphere ng Tsina ang mga nangyari. Pinasimulan ni Lao Rong ang ilang diskusyon sa Sina Weibo [12] [zh]:

@毛聊:“半岛”怎说也是第三世界媒体,不依附西方媒体,这样都容不下,何以服第三世界。

@毛聊:Isang third-world media ang Al Jazeera at hindi umaasa sa Kanluraning media. Kung hindi ito papayagan ng Tsina na pumasok dito, paano natin pangungunahan ang third world?

@看看看看1:因为敢于报道事实而失业的记者,恐怕只有中国吧。被中国驱逐的记者,应该得到重用才是

@看看看看1:Sa buong mundo, tanging sa Tsina lang napapatalsik ang mga mamamahayag na pinipilit ang katotohanan. Karapatdapat bigyang oportunidad ang mga mamamahayag na pinapaalis ng Tsina.

@nurundini:在对中国政府的报道中,半岛应该是几个大的新闻媒介中较客观的,某些西方媒体甚至批评半岛亲共。当然,美联社就不会出现现在这种情况。

@nurundini:Mas obhektibo ang pagbabalita ng Al Jazeera tungkol sa gobyerno ng Tsina kumpara sa ibang malalaking himpilan. Makakomunismo pa nga ang tawag sa kanila ng ilang kanluraning media. Siyempre, hindi naman ‘yon mangyayari sa Associated Press.

赵佑诚:谷歌也不想离开,还不是离开了,呵呵

赵佑诚:Ayaw sanang umalis ng Tsina ng Google, ngunit sumuko din ito sa bandang huli.