- Global Voices sa Filipino - https://fil.globalvoices.org -

Malaysia: Mga Protestang Bersih Sa Iba't Ibang Bahagi ng Mundo

Categories: East Asia, Malaysia, Citizen Media, Elections, Photography, Politics, Protest

[Lahat ng link na nakapaloob sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Ingles.]

Kasabay ng mga protestang Bersih sa siyudad ng Kuala Lumpur [1] noong isang linggo, ilang katulad na pagtitipon ang inorganisa ng mga Malaysian sa ibayong dagat. Kinalap ni Johnny Ong ang mga pahina sa internet patungkol sa mga protesta [2] na idinaos bilang panawagan sa malinis at mas demokratikong halalan.

Sa Hong Kong [3] halimbawa, iniulat [4] na 400 katao ang lumahok sa pagtitipon.

[5]

Bersih sa Hong Kong. Mula sa Facebook ni Temily Tianmay

[6]

Mga Nagpoprotesta sa labas ng Konsulado ng Malaysia. Mula sa Facebook ni Ray Kok Rui Lau

Sa bayan ng Melbourne [7], Australia naman, tinatayang may isang libong katao ang dumalo [8] sa pagkilos:

[9]

Sa Federation Square ng Melbourne. Mula sa Facebook ni Daniel Loh

Sa Washington, DC [10] sa Estados Unidos (US):

[11]

Bersih sa Washington, DC. Mula sa Facebook ni Leng-Feng Lee

Sa siyudad ng Los Angeles [12], US:

[13]

Bersih sa Los Angeles. Mula sa Facebook ni SzeMin Sim

Sa lungsod ng Toronto [14], Canada:

[15]

Bersih sa Toronto. Mula sa Facebook ni Kevin Chong

Sa siyudad ng Auckand [16], New Zealand:

[17]

Bersih sa Auckland. Mula sa Facebook ni Chung Cheong Yung

Sa lungsod ng Londres [18], UK:

[19]

Bersih sa Londres. Mula sa Facebook ni Siok Jin Lim

Sa Dublin [20], Ireland:

[21]

Bersih sa Dublin. Mula sa Facebook ni Chloe Cheah

Sa bayan ng Zurich [22], Switzerland:

[23]

Bersih sa Zurich. Mula sa Facebook ni Chia Huei Kaivalya Tan

Sa siyudad ng Paris [24], Pransiya:

[25]

Bersih sa Paris

Sa lungsod ng Moscow [26] sa bansang Ruso, inabisuhan ng mga pasimuno doon ang mga dumalo sa pagtitipon na magsuot ng takip sa mukha upang ilihim at mapangalagaan ang kanilang pagkakakilanlan:

[27]

Mga Lumahok sa Bersih sa Moscow