Noong ika-7 ng Marso, 2012, inanunsyo [en] ng Hilagang Korea na hindi nito kakasenlahin ang planong pagpapadala ng satellite sa kalawakan sa kalagitnaan ng Abril [en] sa kabila ng pagbisita ng Pangulo ng Estados Unidos na si Barack Obama sa Timog Korea ngayong linggo. Mariing tinutulan ito ng Timog Korea at bansang Hapon, at inihanda na ng bansang Hapon ang missile defense system nito kung sakaling pumasok ang satellite rocket sa airspace nito.
Bilang pinakamasugid na kakampi ng Hilagang Korea, naging maingat naman ang Pangulo ng Tsina na si Hu Jintao sa pagbibitaw ng kanyang salita. Sa larangan ng social media, umani ng malaking atensyon ang nasabing balita subalit hati ang mga opinyon.
Mula sa naging daloy ng talakayan nang ibinalita ito sa Sina Weibo [zh], maraming netizens ang pumuna sa katapangan ng Hilagang Korea sa kabila ng panghihimasok ng Estados Unidos:
superman哥哥:这本来就是,别的国家凭什么就不让人家发射卫星。就你可以吃肉别人就不可以啦!!!
superman哥哥:Mahusay ang pagkakasabi. Paano ba mapipigilan ng iba ang isang bansa na nais maglunsad ng satellite. Ano ang karapatang mong pagbawalan ang iba na kumain ng karne kung ikaw mismo ay mahilig kumain ng karne!!!
称成:支持朝鲜。有能力有勇气。
称成:suportahan ang Hilagang Korea. Meron itong kakayahan at tapang.
肥鸭KidAtCardiacSurgery:一个独立主权的国家为什么没有发射卫星的权利?!搞笑! 别的国家有什么资格管制
肥鸭KidAtCardiacSurgery:Siyempre may karapatan ang isang nagsasariling bansa na maglunsad ng mga satellite. Isang kahibangan! Ano ba ang karapatan ng mga bansa na manghimasok sa lokal na kalakaran ng iba?
LGX9930:发射卫星不仅是主权国家的合法权利,也是促进经济发展的必要条件,所以不会放弃卫星发射计划。大国可以,小国不行吗?
LGX9930:Hindi lamang lehitimong karapatan ng isang nagsasariling bayan ang paglulunsad ng mga satellite. Kinakailangan ito para sa kaunlaran ng ekonomiya ng bansa. Siyempre hindi nila ito isusuko. Ang malalakas na bansa lang ba ang maaring maglunsad at ang maliliit na bansa ay hindi pupuwede?
长河落日故乡人:各方为何不呼吁美国和朝鲜共同放弃核?
长河落日故乡人:Bakit walang nagsasabi na maging nuke-free ang parehong Estados Unidos at Hilagang Korea?
路殿下:卫星发射需要钱,研究导弹也要钱,有了核武器维护更要钱。可是,如果不这么做,叙利亚伊朗那边就快扛不住了。这三个让美国头疼的铁三角,其实比和中国的关系更休戚相关。其实朝鲜也知道不能再靠大哥了,只有继续发展军事饮鸩止渴。此举符合我国的短期利益,否则金再鲁莽,也没这胆量,同时得罪中美。
路殿下:mga satellite, rocket, at sandatang nuklear, lahat ng ‘yan ay nangangailangan ng pera. Kung isusuko nila ang pagpapaunlad sa teknolohiyang pangmilitar, mahihirapan ang Syria at Iran na panghawakan ang kanilang impluwensiya. Sakit ng ulo ng Estados Unidos ang mga bansang axis. Alam ng Hilagang Korea na hindi na nila maaring asahan ang kanilang kuya [Tsina], at ang pagpapaunlad ng sandatahang lakas lamang ang paraan upang mapanatili ang kontrol. Gayunman alinsunod ito sa panandaliang interes ng Tsina, dahil malakas ang loob nito na suwayin ang Estados Unidos
子虛烏有-先生:奧巴馬在這件事上歇斯抵里,朝鮮不給面,不為五斗米折腰,全世界人看美國出丑,霸權主義去死吧。
子虛烏有-先生:Umaastang parang baliw si Obama dito. Hindi susuko ang Hilagang Korea kapalit ang pagkain bilang tulong, nagmumukhang payaso ang Estados Unidos. Wakasan na ang pananakop.
穗海原川:我们58年连稻谷。麦子都放了那么多卫星了,不管是什么样的卫星,是不是卫星,总得给点面子,让人家放放嘛。
穗海原川:Maaalalang tag-gutom sa atin noong 1958, ngunit sandamakmak na mga satellite ang naipalipad natin. Bigyan natin sila [Hilagang Korea] ng mukhang ihaharap at hayaan na maglunsad ng kanilang satellite o nagkukunwaring-satellite.
Kasabay nito, may ilang nangatwiran na hindi malayong mapapahamak ang Tsina dahil sa paglinang ng Hilagang Korea ng mga satellite:
Daniel桑:回复@昊孟中月:用点脑好不好,你这样说就等于说为什么警察可以配枪,小偷们就不可以?朝鲜卫星升空意味着什么你知道吗?这颗卫星升空最头疼的就是中国
Daniel桑:sagot kay @昊孟中月: gamitin po natin ang utak. Bakit nga ba maaring humawak ng baril ang mga pulis habang ipinagbabawal ito sa mga magnanakaw. Alam niyo ba ang kahihinatnan ng paglulunsad ng satellite ng Hilagang Korea? Sakit ng ulo para sa Tsina.
热气青年3代:这就好像一把利刃握在一个疯子手中。
热气青年3代:Parang nabigyan ng matulis na kutsilyo ang isang sira-ulo.
mjintokyo:朝鲜的导弹最远只能飞到美国的阿拉斯加,不过中国全境都在其射程内。那些支持朝鲜的脑残,你们以为中国不用担心么。
mjintokyo:Hanggang Alaska lang ang kayang abutin ng mga rocket ng Hilagang Korea. Subalit kaya nitong marating ang bawat sulok ng Tsina. Sa mga sumusuporta sa Hilagang Korea, sa tingin niyo hindi dapat mag-alala ang Tsina?
Mayroon ding mga mapanuyang komento gaya nito:
吉普寨老农:好,朝方一定要坚持到底!届时打一场硬仗,各国争取一个月内消灭独裁政权
吉普寨老农:Ayos. Dapat ituloy ito ng Hilagang Korea at galingan nila sa labanan. Kapag nagsimula na ang giyera, siguradong mabubura ang diktador sa loob ng isang buwan.