See all those languages up there? We translate Global Voices stories to make the world's citizen media available to everyone.

Learn more about Lingua Translation  »

Isang Araw sa Earth: Pandaigdigang Pagpapalabas ng Pelikulang Tulong-Tulong na Binuo

Logo for One Day on Earth

Isang Araw sa Earth

Ang pelikulang One Day on Earth [en] [“Isang Araw sa Earth”] na sama-sama at tulong-tulong na ginawa ay binubuo ng higit 3,000 oras ng bidyo na kuha sa iisang araw, noong ika-10 ng Oktubre 2010, at pinadala mula sa bawat sulok ng mundo, kung saan tampok ang samu't saring kaibhan, salungatan, trahedya, at tagumpay na nakapaloob sa isang araw. Gaganapin ang Pandaigdigang Pagpalalabas [en] ng naturang pelikula kasabay ng Earth Day (ika-22 ng Abril 2012) sa bawat bansa, sa tulong ng mga World Heritage Site at United Nations.

Hanapin ang talaan ng mga bidyong pinadala sa One Day on Earth

Hanapin ang talaan ng mga bidyong pinadala sa One Day on Earth

Maari mong panoorin ang mga isinumiteng bidyo sa pamamagitan ng isang interactive na mapa sa talaan ng One Day on Earth [en] ng mga bidyo noong ika-10 ng Oktubre 2010 at ika-11 ng Nobyembre 2011 na ambag mula sa iba't ibang panig ng daigdig. Maaring gamitin ang mga tag at keyword sa paghahanap sa talaan, at maaring kalikutin ang mapa upang panoorin ang ilang tinipong bidyo.

Maari kang sumali sa naturang Pandaigdigang Palabas sa pamamagitan ng pagbibigay-tulong sa pinakamalapit na lugar na paggaganapan, pagmumungkahi ng lokasyon o pag-oorganisa mismo ng palabas. Sa ilang mga lokasyon, lilimitahan ang bilang ng maaring tutulong sang-ayon sa laki ng gusali: upang siguraduhing makakapasok ka sa palabas, maari kang mag-sign up sa site [en].

Ang susunod na bidyo ay trailer ng pelikulang One Day on Earth.

1 Komento

Join the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.