- Global Voices sa Filipino - https://fil.globalvoices.org -

Bahrain: Karerang F1 Grand Prix Nabalot ng Karahasan, Tear Gas

Categories: Middle East & North Africa, Bahrain, Breaking News, Citizen Media, Protest, Sport, War & Conflict

Pinaghandaan ng bansang Bahrain ang Formula One Grand Prix [1] [en] na ginanap noong ika-22 ng Abril, subalit hindi naiwasan ang mga malalaking kilos protesta [2] [en] ilang araw bago ang naturang petsa. Itinuon ng mga demonstrador ang atensyon ng buong mundo [3] [en] sa kalagayan ng karapatang pantao sa Bahrain [4] [en][pdf], at sa lumalalang lagay ng kalusugan ng bilanggong aktibista na si Abdulhadi Alkhawaja [5] [en] na nagha-hunger strike magmula noong ika-8 ng Pebrero, 2012.

Matatandaang kinansela ang Grand Prix noong taong 2011 [6] [en] dahil sa kaguluhang pulitikal sa nasabing bansa. Napagpasiyahan na hindi ikakansela ang karera ngayong taon, sa gitna ng patuloy na kaguluhan. Sa mga nakalipas na araw pina-igting ng gobyerno ang pagbabantay sa mga nagpoprotesta, at hindi na rin pinayagang makapasok ng bansa [7] [en] ang maraming dayuhang mamamahayag. Sa mga naganap na sagupaan, naglabas ng mga stun grenade at tear gas ang kapulisan, at natagpuang patay [8] [en] ang isang demonstrador na si Salah Abbas Habib.

Isang malaking martsa bilang pag-aaklas ang naganap noong Abril 20, na mapapanood sa susunod na bidyo [9] [en] mula sa Samahang Al Wefaq [10] [en]:

Nabalot ang lugar ng tensyon [11] [en], at kapansin-pansin ang pagbabantay ng kapulisan sa buong bansa. Ayon pa sa mamahayag ng Formula One na si Ian Parkes noong umaga ng Abril 22:

@ianparkesf1 [12] [en]: On the final day of the ‘count the police cars’ game’ heading to the track, today's grand total is 86!

@ianparkesf1: Sa huling araw ng larong ‘bilangin ang kotse ng pulis’ na nakaantabay sa karera, ang kabuuang bilang ngayong araw ay 86!

Noong Abril 21, inilarawan ng aktibistang si Nabeel Rajab [13] [en] ang kalagayan sa ibang bahagi ng Bahrain:

[en]: From my house I hear ambulance, helicopter, police car and shooting but #F1 management say every things is ok #Bahrain #GP London

@NABEELRAJAB: Mula sa loob ng bahay naririnig ko ang ambulansiya, helikopter, kotse ng pulis, at barilan pero ok naman daw ang lahat ayon sa pangasiwaan ng #F1 #Bahrain #GP London

Nag-tweet naman noong Abril 21 si Dr Fatima Haji (isa sa mga doktor na kinasuhan [14] [en] dahil sa paggamot sa mga nagpoprotesta noong isang taon):

@drFatimaHj [15] [en]: My 3yrs old son, my husband and I are suffocating in our flat in Bani Jamra as security forces are shooting tear gas in Duraz!! #F1 #Bahrain

@drFatimaHj: Hindi kami makahinga ng asawa at anak kong 3 taong gulang dito sa loob ng bahay namin sa Bani Jamra habang pinapausukan ng tear gas ang Duraz!! #F1 #Bahrain

Mapapanood naman sa susunod na bidyo [16] [en] mula kay Qamar70 [17] [en] ang pagtatapon ng tear gas ng mga riot police sa mga lansangan ng Saar noong Abril 19:

Kinuwestiyon naman ni Justin Gengler sa blog na ‘Religion and Politics in Bahrain’ [Relihiyon at Pulitika sa Bahrain] kung tama ba ang naging desisyon [18] [en] na ituloy pa rin ang karera:

If you search Google News for “Bahrain Formula One,” you find that the ratio of negative (political) to positive (race-related) news articles is about 4,082 to 232, or about 17.5 : 1. With coverage like this, Bahrain's leaders may be rethinking their cost-benefit analysis.

Kung susuyurin mo ang mga balita sa Google News tungkol sa “Bahrain Formula One,” may 4,082 negatibong balita (hinggil sa pulitika) kumpara sa 232 positibong balita (hinggil sa karera) o halos 17.5 : 1. Sa ganitong sitwasyon, marahil nirerepaso na ng mga lider ng Bahrain ang kanilang cost-benefit analysis.

Sa kanyang kasunod na post, inihilera naman ni Justin Gengler ang ilang larawan [19] [en] tungkol sa Karera ng Formula One, kabilang na ang larawang ito na gawa ni Carlos Latuff:

[20]

I-boycott ang F1 sa Bahrain. Larawan mula kay Carlos Latuff.

Hinamon naman ng blogger na si Emily L. Hauser ang ideyang magiging positibo para sa nasabing bansa [21] [en] ang idinaos ng karera:

Discussing the fact that the Formula One Grand Prix race will be held in his country on Sunday despite a year-long uprising in which protesters have been killed, gassed, imprisoned, and tortured, Crown Prince Salman bin Hamad Al Khalifa told the BBC that “cancelling the race just empowers extremists,” whereas holding the race can serve as “a force for good” [22] [en].

A force for good.

A force for good?

You know what’s a force for good? Democracy. Human rights. Liberty and justice. That sort of thing.

Sa kanyang pagpapaliwanag na itutuloy ng bansa sa Linggo ang Karera ng Formula One Grand Prix sa kabila ng isang taong pag-aaklas kung saan maraming demonstrador na ang pinatay, kinulong, at pinagmalabisan, sinabi ni Prinsipe Salman bin Hamad Al Khalifa sa BBC na “lalakas lang ang loob ng mga nagpoprotesta kapag kinansela ang karera”, samantalang magsisilbing “mabuting halimbawa” ang pagdaos ng karera.

Mabuting halimbawa.

Mabuting halimbawa?

Alam mo ba kung ano ang mabuting halimbawa? Demokrasya. Karapatang pantao. Kalayaan at hustisya. Gano'n.

[23]

Pinalibutan ng barbed wire ang bayan ng Qadam bago simulan ang karera ng F1. Litrato ni @Sajjad_Alalwi mula sa Twitter.

Ipinagtaka naman ni Mohammed Ashoor kung ano ang kahihinatnan ng mismong araw ng karera:

@mohdashoor [24] [en]: The skyline in #Bahrain is filled with smoke from burning tyres as #F1 teams get ready to start their engines. Will be an interesting day.

@mohdashoor: Nilamon ng usok ang hangin sa #Bahrain mula sa nasusunog na gulong, habang inihahanda ng mga koponan sa #F1 ang kanilang mga makina. Kapana-panabik ang araw na ito.

Ulat naman ng mamamahayag na si Javier Espinosa:

@javierespinosa2 [25] [en]: New clashes in villages like Malkiya, Karzakan, Sadad and Damistan in #Bahrain before the start of #F1

@javierespinosa2: Panibagong salpukan sa ilang bayan gaya ng Malkiya, Karzakan, Sadad at Damistan sa #Bahrain bago simulan ang #F1

Dagdag naman ng correspondent tungkol sa mga karerang de-motor para sa The Times, na si Kevin Eason:

@easonF1 [26] [en]: Good morning Bahrain and the UK and others. On way to #bahrain GP circuit for one of the most controversial races in F1 history

@easonF1: Magandang umaga Bahrain at sa UK at iba pa. Papunta sa karera ng GP sa #bahrain upang saksihan ang isa sa mga pinakakontrobersyal na karera sa kasaysayan ng F1

Binuo naman ng Reporters Without Borders (RSF) [27] [en] ang susunod na bidyo [28] [en] tungkol sa karera: