Thailand: Facebook Sinisisi sa Maagang Pagbubuntis

Isa ang Thailand sa mga bansang may pinakamaraming maagang nabubuntis sa buong mundo. Bawat taon, tinatayang may 120,000 na hindi sinasadyang nabubuntis sa murang edad, at mukhang may kinalaman ang sikat na social networking site na Facebook, kung paniniwalaan ang naging resulta ng pag-aaral ng National Economic and Social Development Board (NESDB):

The NESDB has revealed that people in the age group of 18-24 are the biggest group of facebook users, accounting for 40% of all users.

The Board said that the social media growth is partly to blame for the teen pregnancy problems as some youngsters post seducing messages or video clips online.

Ibinunyag ng NESDB na ang pangkat na binubuo ng may edad 18-24 ang may pinakamaraming gumagamit ng Facebook, na aabot ng 40% ng kabuuhan.

Sinabi ng Lupon na ang paglobo ng social media ay isa sa mga dahilan sa suliranin ng maagang pagbubuntis dahil ilang kabataan ang naglalagay ng mapanuksong message o bidyo online.

Litrato mula Pattaya Daily News

Litrato mula Pattaya Daily News

Tinukoy naman ni Saksith Saiyasombut ang mga kakulangan sa programang araling sekswalidad ng Thailand:

Of course the largest social network is to be blamed for the all the steamy content that drive teenagers to have unprotected sex. Or it could be the much more simple explanation – Thailand has a severe problem with sexual education.

If the moral outrage could be put to one side, the powers that be might be able to see that the only reasonable solution to avoid teen pregnancies is to have proper sexual education and face the naked truth about the existence of sexuality instead of tucking it away.

Siyempre mabilis nating sinisisi ang pinakamalaking social network ngayon dahil sa malalaswang nilalaman nito na nagtutulak sa ating kabataan na makipagtalik. O di kaya may mas simpleng dahilan - may malubhang suliranin ang Thailand sa araling sekswalidad.

Kung isasantabi muna natin ang kasalukuyang isyung immoral, marahil ay makikita ng mga nakaluklok sa kapangyarihan na ang pinakamainam na solusyon upang maiwasan ang maagang pagbubuntis ay ang wastong edukasyon tungkol sa sex at harapin ang realidad ng sekswalidad kaysa sa isawalang-bahala ito.

Dagdag naman ni Ricefieldradio, walang kinalaman ang social media sa paglaganap ng maagang pagbubuntis:

Facebook and other Social media has nothing to do with teen pregnancies or sex. It's hormones. Young people managed to have sex way before any of the social network founders mothers was even inseminated.

Walang kinalaman ang Facebook o ibang social media sa maagang pagbubuntis at pagtatalik. Hormones yan. Bago pa man ipinanganak ang mga ina ng mga taong nagtatag ng mga social network, matagal nang nakikipagtalik ang mga menor-de-edad.

Binanggit naman ni Tasty Thailand ang umuunting oras sa klase na ginugugol sa araling sekswalidad sa Thailand:

After all, 18 may be technically a 'teen' but, by law, it's actually the age of an adult. So that doesn't fit the 'blame Facebook' camp for teen pregnancies at all

Because, after all, Thailand's growing teen pregnancy rate can't be because sex education classes in Thai schools have been drastically reduced in recent years, or because Thai parents don't teach their kids about contraception now can it?

Kung tutuusin, ang edad na 18 ay 'teenager' pa din, ngunit ayon sa batas, may sapat na gulang na ito. Kaya hindi ito tugma sa kampanyang 'sisihin ang Facebook' sa maagang pagbubuntis.

Kunsabagay, hindi naman maaaring isisi ang lumulobong bilang ng maagang pagbubuntis sa Thailand sa pagbawas ng mga araling sekswalidad sa mga paraalan, o sa kakulangan ng pagtuturo ng mga magulang sa kanilang mga anak tungkol sa paggamit ng contraception, hindi ba?

Kinilala ng FACT - Freedom Against Censorship Thailand ang papel na ginagampan ng mga magulang:

Sure, Facebook may make it easier for our kids to hook up. But it’s bad parenting which fails to supervise your kid on a computer. Maybe kids just need to play football with friends…a lot of football!

Pinadali na ngayon ng Facebook ang pagkikita-kita ng ating kabataan. Ngunit nagkukulang din naman ang mga magulang sa pagpapatnubay sa kanilang anak sa harap ng kompyuter. Marahil mas mainam na maglaro nalang ng futbol ang mga kabataan ngayon...maraming futbol!

Heto ang ilang reaksyon sa Twitter. Mula kay @thaimythbuster:

#THailand #Facebook did it and shares the blame for Thailand's teen pregnancies. Wondering who was to blame ten years ago… Prem?

#THailand Bahagi ang #Facebook sa mga sinisisi sa maagang pagbubuntis. Sino kaya ang dapat sisihin nung sampung taong ang nakakaraan.. Prem?

@CoconutsBangkok To think, we always thought unprotected sex causes teen pregnancies. Apparently Facebook does actually!

Matagal nating inakala na ang maagang pagbubuntis ay dahil sa hindi paggamit ng proteksyon. Yun pala, Facebook ang dahilan!

Hindi ito ang unang pagkakataon na sinisi ang Facebook sa pagdami ng bilang ng maagang nabubuntis. Noong isang taon, sinisi ng pinuno ng isang relihiyosong pangkat sa Central Java, Indonesia ang social network sa dumaraming pagpapakasal sa murang edad at hindi-sinadsadyang pagbubuntis sa bansa.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.