- Global Voices sa Filipino - https://fil.globalvoices.org -

Sa Mundo ng Arab: Maharlikang Kasalan ang Namamayani

Categories: Middle East & North Africa, Egypt, Jordan, Lebanon, United Arab Emirates, United Kingdom, Arts & Culture, Citizen Media
Watawat ng maharlikang kasal na ibinebenta sa isang tindahan sa London [1]

Watawat ng maharlikang kasal na ibinebenta sa isang tindahan sa London mula kay John Harper © Copyright Demotix (25/04/11)

Ang usap-usapan tungkol sa gaganaping pag-iisang dibdib ni Prinsipe William at Catherine Middleton bukas (Abril 29) ay nakarating na sa Gitnang Silangan, kung saan ang ilan sa mga tweeps ay tumigil panandalian sa pagbabalita sa mga nagaganap na pag-aalsa, upang pagmasdan ang seremonya at pagtanggap, na gaganapin sa Buckingham Palace.

Mula sa UAE, ramdam ni Eman R H ang Royal Wedding Fever. Sabi niya [2]:

#RoyalWedding fever. Sana nasa London ako ngayon.

Pahayag ni [3] Kym Brotherton:

Ramdam ng Dubai ang #RoyalWedding fever!

At sa kalapit na Abu Dhabi, UAE, idinagdag [4] ni Shaima Bent Saleh:

Isang kahangalan kung paanong ang mga negosyo sa UAE ay nakahahanap ng paraan para kumita sa #RoyalWedding sa pamamagitan ng pag-aalok ng “maharlikang” karanasan para sa hotel at pagkain. Naman!

Sa Abu Dhabi pa rin, kinumpirma [5] ni Baderya Khalifa:

Nasasabik ang nanay ko sa kasal ni William. #Royalwedding .. :D

Nang makita ng Ehipsyo na si Wael Ghonim ang mga reaksyon tungkol sa pag-iisang dibdib, pinarating niya na tayo ay nasa taong 2011 na at wala na sa Gitnang Panahon. Sinabi [6] niya sa Twitter:

Maaari bang may magsiguro sa akin na wala na tayo sa gitnang panahon? #royalwedding

Sa Ehipto pa rin, pabirong sinabi ni [7] Mahmoud Reda Shahin (Ar):

لاول مرة اتاكد ان حتى فى الدول المتقدمة … الحكومات عايزة تلهى الشعب على طول #Royalwedding #tafaha
Sa unang pagkakataon sa buhay ko, nakumbinsi ako na kahit sa mga mayayamang bansa… gusto pa rin ng mga pamahalaan na maging abala ang kanilang mga tao.

habang si Omar Biltaji, mula sa Jordan ay nagsabing [8]:

Lahat ay pinaguusapan ang #RoyalWedding ….. Ano'ng nangyayari, mga Tweeps? Anong mapapala natin sa kasal na ito bilang indibidual?

Hindi rin interesado [9] ang Lebanese na si Mustafa, na nagba-blog sa Beirut Spring:

May pakialam ako sa Royal Wedding, katulad ng pakialam ko sa kriket (pahiwatig: wala)

Balik sa Ehipto, natigilan ako sa tweet ni Mohamed El Gohary. Saad nito [10]:

Walis? RT @mand0z: HAHAHAHAHA: Pagdiriwang sa Hardin para sa Maharlikang Kasal sa BCA Maadi. Magsuot ng sumbrero at gwantes! http://bit.ly/ioSQ1N

May gaganapin [11] nga ang Samahan ng mga Briton sa Cairo ng isang pagdiriwang sa hardin para sa maharlikang kasal bukas.