See all those languages up there? We translate Global Voices stories to make the world's citizen media available to everyone.

Learn more about Lingua Translation  »

Pilipinas: Pag-alala sa Masaker sa Maguindanao

Mahigit isang buwan na ang nakakalipas mula noong malawakang paslangin ang mahigit 60 na lalaki at babae noong ika-23 ng Nobyembre, 2009 na gawa ng mga pansariling hukbo ng mga Ampatuan, isang makapangyarihang pamilya na ka-alyansa ng Pangulo ng Pilipinas na si Gloria Macapagal-Arroyo, ngunit tila naging bahagi na nang kolektibong imahinasyon ng mga Pilipino ang karumal-dumal na pangyayaring ito.

Isang biro ang umiikot nitong nakaraang pista na ang katanungan ay ano ang ginagawa mo sa mga pagsubok at suliranin na dumadating sa iyong buhay. Ang sagot dito ay ang matutunang ilibing sila para lumayo sila, isang pahiwatig sa paggamit ng mga Ampatuan ng asarol upang ilibing ang mga biktima ng masaker sa isang mababaw na libingan. Maalala ang malawakang pagpaslang na ito sa maraming paraan.

Makikita ang mga larawan sa Internet. Nabigyan ng pansin ng mga blogs at social networks sa Pilipinas ang nakakagulat na pangyayaring ito.

Pinagtugma ng Critic After Dark ang Masaker sa Maguindanao sa mga pelikula sa isang diskusyon sa mga paglabag ng karapatang pantao na gawa ng Estado, at mga karahasang pulitikal na inilalarawan sa mga klasikong pelikulang Pilipino.

Naniniwala naman ang Village Idiot Savant na hindi lang ang mga biktima ng masaker na ito ang biktima.

Gumawa ng isang pasya ang mga Mangudadatus na ipadala ang mga kababaihan at mamamahayag – nang walang kasamang bantay o dalang armas – upang ipakita ang kanilang payapang layunin. Alam na natin kung ano ang kinalabasan. Kaya hindi dapat ituring na biktima ang mga biktima, kung hindi mga martir.

Naging tema din ng mga kilos protesta at tradisyonal na gawain ang masaker na ito. Iniulat ng The Vera Files na ang karosa na nagpapakita ng Masaker sa Maguindanao ay isa sa mga pangunahing tampok sa kanilang taunang Lantern Parade na isinagawa sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman campus noong Disyembre.

Ang Dalubhasaan ng Batas at mga militanteng samahang pangmag-aaral ay TUMAYO gamit ang Masaker sa Maguindanao bilang kanilang mensahe. Mayroon silang mga imahen ng mga asarol at mga sirang sasakyan, na parehong sumisimbolo sa pagpatay sa 57 katao, kung saan 30 sa mga ito ay mga mamamahayag, na gawa ng mga miyembro ng pamilya Ampatuan sa Maguindanao noong ika 23 ng Nobyembre. Ang Dalubhasaan ng Batas ay nagsagawa ng isang eksena ng mga biktima ng masaker, na mayroong mural ng mga Ampatuan na may hawak na mga baril.

Sa kabilang dako, ang High Chair, isang Philippine-based poetry journal ay nangangalap ng mga tula na sumasalarawan sa Masaker sa Maguindanao para sa ika-12 nitong isyu.

Nagdeklara ng batas militar ang pamahalaang Arroyo sa lalawigan ng Maguindanao sa loob ng isang linggo nitong nakaraang buwan upang habulin ang mga Ampatuan at ang kanilang mga pansariling hukbo. Subalit nananatiling tanong kung ang mga may sala ay mapaparusahan.

Para kay Tonyo Cruz, ang pagdedeklara ng batas militar ay tila ginamit ng pamahalaang Arroyo upang mapahintulutan ang mga may sala na makaiwas sa buong pwersa ng batas.

Kung ang pagdedeklara ng batas militar ay hindi kakalabanin, mawawalan ng maraming bagay ang mga Pilipino. Una, mawawalan tayo ng pagkakataon na usigin ang isa sa mga pinakamalalang pamilya at kakampi ni Pangulong Arroyo na isinangkot ang kanilang mga sarili sa isang malahayop na malawakang pagpaslang sa makabagong kasaysayan…

Dahil dito, humihingi ng komento si Marianna Gurtovnik ng The Mantle tungkol sa Masaker sa Maguindanao:

1) Ano ang naging reaksyon ng mga pangunahing partido pulitikal sa Pilipinas tungkol sa pagsisiyasat sa pagkakasangkot ng mga Ampatuan sa malawakang pagpaslang sa Maguindanao noong nakaraang Nobyembre?

2) Sa pagtatapos ng kanyang panunungkulan bilang pangulo, matatapos kaya niya ang pagsisiyasat sa kasong ito at mapaparusahan ba ang mga Ampatuan kung mapapatunayang sila ay nagkasala? Bakit?

3) Ano ang mga hakbangin na isinasagawa ng pamahalaan ng Pilipinas upang buwagin ang mga pansariling hukbo ng mga Ampatuan na siyang itinuturong may gawa ng mga pagpaslang?

4) Ano ang mangyayaring mga pagbabago sa pulitika sa Maguindanao kung mahahatulan ang mga Ampatuan?

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.