Estados Unidos, Mehiko: Astronaut Jose Hernandez Gumagamit ng Twitter Mula sa Panlabas na Kalawakan ng Mundo

Ang astronaut na si Jose Hernandez ay kasalukuyang nag-aaligid sa mundo bilang bahagi ng isang pangkalawakang misyon sa Internasyonal na Pangkalawakang Istasyong, at sya ay gumagamit ng Twitter habang siya ay nasa labing-tatlong araw ng misyon.

Bilang isang anak na isinilang sa Estados Unidos ng mga imigranteng galing Mehiko, si Hernandez ay tumira halos kalahati ng kanyang buhay sa bansang pinanggalingan ng kanyang mga magulang at ang kalahati sa Estados Unidos.  Ayon sa Mexico Reporter, siya ay isang pambansang bayani sa Mehiko at ang kuwento ng kanyang buhay ay inspirasyon sa parehong bansa.  Si Hernandez ay dating migranteng manggagawa, na nagtrabaho sa tabi ng kanyang mga magulang sa kampo, at ngayon ay ginawa ang unang lakbay nya sa panlabas na kalawakan ng mundo.

Ang astronaut na si Jose Hernandez at galing sa Wikimedia Commons

Ang astronaut na si Jose Hernandez at hango sa Wikimedia Commons

Ang kanyang twitter sa Ingles at Espanyol ay nagbibigay ng mga bagong balita habang sya ay naghahanda sa kanyang paglunsad, na iniskedyul para sa ika-25 ng Agosto.  Dahil sa mga problema sa makina, ito ay naantala ng ilang araw.  Ang maling pagsimula at ang mga paulit-ulit sa mga karaniwang paghahanda ay nagsimula na magkaroon ng pamilyar na pakiramdam pagkatapos:

Pupunta para sa isang magandang takbo.  Panahon mukhang makipagtulungan para sa gabing 1:10 umagang EDT lunsad! Pakiramdam katulad ng Ground Hog Day! :-)

Dito sa mga panahon ng paghahanda, nang nagkaroon si Hernandez ng pag-uusap sa telepono kay Mehikong Presidente Felipe Calderon.

Sa wakas ang araw ay dumating, at ang paglunsad ng Space Shuttle sa orbito ng ika-28 ng Agosto.  Nang nasa pangkalawakan na si Hernandez, nagbigay siya ng kanyang mga saloobin sa unang araw nya sa kalawakan:

Nag-aayos at natanto ang aking pangarap…Napakadakila ng Micro G.  Natapos ang pag-aayos ng mga computer at naghahanda para matulog! Hinid ko kailangan ng unan!

Sa sunod na mag dalawang lingo, nagbigay si Hernandez ng mga balita ukol sa mga gawain ng misyon at ang mga kinabukasang gawain:

#onorbit Natapos ang araw ng ika-tatlong paglakbay at dumating sa istasyon. Nakilala ko ang aking 6 na kapitbahay at mukhang mabait sila!  Sobrang bait na bibigyan namin ng sakay pauwi ang isa sa kanila!

Sundin ang mga tweets sa misyon sa @Astro_Juan

3 Mga Komento

Join the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.