Ang hindi pagka-ipit sa buhul buhul na trapiko sa lansangan ng Espana alas 2:00 ng hapon sa isang araw ay isang napakalaking gawain. Ito ay isa sa mga dahilan kung bakit nakakagulantang pagmasdan para sa kabuohang populasyon ng mga taga Paraguay ang mga kalye ngayon na halos walang tao. “Ngayon lng ako nakakita ng isang bagay tulad nito, nakakagulat, parang hindi mapakali,” sabi ng isang manunulat na si Nora Vega, na bumabyahe araw araw sa bayan ng Asuncion. Ang isa sa mga dahilan kung bakit mas gusto ng mga taga-Paraguay na manatili nalang sa loob ng kanilang bahay ay ang mabilis na paglaganap ng H1N1 Virus, na kumitil ng tatlong buhay at nagkalat sa ibang mamamayan.
Noong isang linggo ang Pambansang Kongreso ay nagpahayag ng 90 na araw para sa pambansang pang-emergency sa kalusugan at nagpalabas ng 99 bilyong garantiya (mahigit 20 milyon dolyar) sa tagapangasiwa ng kalusugan para ipatupad sa epidemia ng swine flu.
Tinitignan ngayon ng gobyerno ang posibilidad ng pagpapatupad na pahaba-in ang dalawang linggo na bakasyon sa taglamig sa mga paaralan upang mapigilan ang paglaganap ng maraming virus sa mga mag-aaral. Ipinasara ng lungsod ang maraming pampublikong gusali at maging ang mga sinehan ng sampung araw. Ang hakbang na ito ay ipapatupad kahit na nagbitiw ng pahayag ang Ministro ng kalusugan na si Esperanza Martinez na nagpaalala na ang hakbang na ito ay hindi epektibo para mapuksa ang paglaganap ng virus sa mga bansa kagaya ng Mexico at Estados Unidos.
Bagamat ang Kawani ng Pangkalusugan ay ng nagpatunay lamang ng 3 opisyal na pagkamatay, mayroong mga hinala na 15 pang kaso ng pagkamatay ay dahil na rin sa virus. Sa ngayon, mayroon nang opisyal na tala ng 114 na kaso, ngunit 700 sa mga ito ay posibleng hinala pa lamang. Ang isa sa mga dahilan kung bakit ang mga kaso na ito ay hindi pa ma kumpirma ay dahil sa kakulangan ng mga kagamitan para sa pagsusuri.
Ang ibang malaking pagkabahala ay ang kakulangan ng mga gamot, lalo na sa pribadong sector. Ang manunulat at blogger na si Mabel Rehnfeldt ay nag sabi sa kanyang blog El Dedo en la Llaga [es] binahagi ang kanyang kalungkutan sa pagkaroon ng dalawang anak na babae na nagkasakit dahilan ng virus.
Nang nakita ko sa pahina ng diaryo ng ABC ang ulo ng balitang nagsasabing ” KAGAWAD NG KALUSUGAN INILAHAD NA ANG LAHAT AY KONTROLADO ” nilamun ako ng pagkagalit at walang magawa. Wala man lang tumawag sa amin (Rehnfeldt at ang dalawang anak na babae) at nagtanong kung buhay pa ang mga pasyente kung nakahanap ako ng “tamiflu” (gamot) na sila (kawani ng pangkalusugan) ay bimili sa maraming kantidad hangang sa punto na wala nang natira na naka imbak sa pamilihan.
Esperanza (Punong Kawani ng Kalusugan) at ang lahat ng kanyang kasamahan: ipakita mo sa mga tao na hindi ikaw maging bahagi ng opisyal na kasinugalingan. Kung ang mga bagay ay hindi maging Kontrolado (dahil sa kakulangan ng pera o dahil itong karamdaman ng sakit ay mahirap puksa-in sa mahirap at mulala na bansa), sabihin nyo kung hindi nyo kaya, o kung kayo ay nahihirapan sugpuin ang sitwasyon, sabihin nyo kung wlang pera o propesyonal na kakayaha. Gumawa kayo ng kakayahan upang mahikayat ang pribadong sector para tumulong, ngunit huwag mong sabihin sa amin na ang lahat ay kontrolado kung ang pagsusuri o pagsisiyasat ay hindi umuubra.
Ang mga Senador ay umalma sa paglagananap ng sakit sa pamamagitan ng pagpaparatang sa Kawani ng Pangkalusugan na di-marunong kumatawan. Ang Kinatawan na si José Lopez ay iminungkahi na ang Ministro ng Kalusugan na si Martinez ay dapat harapin ang pagdinig sa Kongreso. Pero hindi lahat ay sang ayon dito. Ang blogger at manunulat na si Susana Oviedo, ay sinabi sa kanyang blog Sobre el Punto [es], nagpahiwatig na ang mga kinatawan ng gobyerno ay nagsisinungaling:
Sa pagpatotohanan ng ministro, ang sagot sa yugto sa pagsiklab ng sakit na ito ay itinatag noong talong bwan at ipinalaganap na ang pinaka maselan na mga bwan ay mula Hulyo hangan Agosto…Subalit it maliwanang na ang mga politiko sa kalahatan, lalo na ang nasa posisyon sa administration ng gobyerno, ay walang paki-alam na makining sa mga usapang ito.Sila ay parating nasasangkot sa ibang di-kaugnay na usapin.
Sa paglaganap ng sakit, ang Paraguay ay nahaharap sa paghamon ng pagdami ng AH1N1 virus: ang mga pagamutan ay naging masikip sa resulta nang mga patiente na matagal na naghihintay sa mahabang pila.